LT bakers, nagpaligsahan sa paggawa ng cake at pastry

LA TRINIDAD, BENGUET – Nagpagalingan ang mga bakers ng iba’t ibang barangay sa ikalimang taon ng cake and pastry competition noong Martes, Marso 21, 2017, sa Municipal Gym.
Ang kompetisyon ay nahati sa dalawang kategorya, ang cake at pastry. Nabigyan ng tatlong oras ang mga kalahok para mailuto ang kanilang cake at pastry na ang pangunahing sangkap ay strawberry at arabica coffee.
Ang cake category ay may temang “strawberry cake shape” kung saan ang pangunahing disenyo ay replika ng 2004 Genius Book of World Record Biggest Strawberry Cake. Dinaluhan ito ng walong kahalok na sina Jacqueline Garcia, Rochelle Batore, Elizabeth Bustamante, Charise Lagyop, Nobel Cabinta, Layla Maaba, Carl James Quezon at Gregorio Betonio.
Ang pastry baking naman na may temang “bar o tarts” ay dinaluhan ng apat na kalahok na sina Iriz Anne Rodriguez, Racquel Ann Bawat, Belson Garcia at Nikki Dapyawon.
Ang naturang kompetisyon ay bahagi pa rin ng pagdiriwang sa 36th Strawberry Festival.
Ayon kay Felicitas Ticbaen, municipal agriculturist, ang main objective ng kompetisyon ay “For us to discover and encourage our bakers to come up with something which is unique for pasalubong sana, na that the cake can travel to other places that it can’t be destroyed.”
May limang judges na sina Christine Abellon ng Café Maleng-ag, Solidad Abiadang ng Happy Bakeshop, Sherry Jag Fernando ng Benguet State University Entrepreneur Marketing at si Raymund Golocan ng Cabini Resto.
Ang mga nanalo sa unang catergorya ay sina Betonio sa first place na nakatanggap ng P5,000; nasa second place si Maaba na nakatanggap ng P4,500; at sa third place si Lagyop na nakatanggap ng P4,000. Nakatanggap P3,000 para sa consolation price ang mga hindi nanalo.
Sa pangalawang kategorya ay nanalo sina Dapyawon sa first place na nakatanggap ng P3,500; si Bawat na nakatanggap ng P3,000 sa second place; at si Iriz Anne Rodriguez na nakatanggap ng P2,500 sa third place. Nakatanggap din ng P2,000 bilang consolation price ang mga hindi nanalo. Rica Gil, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon