LTO, tutulong sa pagsugpo ng trapik sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Tiniyak ng Cordillera Land Transportation Office (LTO-CAR) sa pamahalaang lungsod ng Baguio na ang kanilang tanggapan ay tutulong sa lumalalang sitwasyon ng trapiko na nararanasan sa iba’tibang lugar sa lungsod na kanila umanong uumpisahan mismo sa kanilang compound.

Sa panayam kay LTO-CAR regional director Francis Ray Almora noong Miyerkules, Setyembre 11, 2019, sinabi niya na ang isa sa mga prayoridad ng kanyang tanggapan ay ang ilipat ang inspection area ng mga motor vehicle na subject for registration o for renewal of registration sa isang bahagi ng impounding area malapit sa Beckel, La Trinidad, Benguet.

Ito ay para maiwasan ang mahabang pila ng mga nakaparadang sasakyan sa gawing Leonard Wood road tungo sa LTO compound na nagpapalala ng masikip na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Sinabi ni Almora na kinakailangan lang na malagyan muna ng graba ang bahagi ng nasabing impounding area para maiwasang ma-”stall” o tumirik sa maputik na bahagi ng nasabing lugar ang mga sasakyan, lalo na kapag tagulan.

“We want to contribute in the efforts of the city government to significantly improve the flow of traffic along roads in the different parts of the city, thus we decided to transfer our inspection area to a portion of our impounding area in Beckel, to prevent motor vehicles from lining up along Leonard Wood Road and the road leading to our compound, which contribute to the daily traffic woes of our motorists,” ani Almora.

Ipinaliwanag ni Almora na mas mabuti para sa mga motorista na kanilang paglaanan at bigyan ng panahon ang inspection ng kanilang sasakyan sa mas kombenyenteng lugar sa tuwing sila ay magparehistro o mag-renew ng rehistro ng kanilang sasakyan, kahit ito pa ay sa labas na ng lungsod, kesa sa sila ay mahuli at magbayad ng pinataas na multa dahil sa illegal parking at road obstruction.

Sinabi din ni Almora na agad nilang ihahayag ang paggamit ng bahagi ng Beckel impounding area para sa inspection at stenciling ng mga magpaparehistro o magrerenew ng kanilang sasakyan oras na matapos ang paglagay ng graba sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Almora na ang desisyon ng utilized in government operations, thus the launching of the Dagyaw campaign alongside the DevLIVE app.

“Direct interaction improves delivery of public services when people sit down and come up with solutions,” Iringan said.

The Dagyaw, a Hiligaynon term meaning “Bayanihan” is being rolled out by the DILG in all 16 regions of the country aiming to provide platform for the public to clarify “issues of the day” and raise local concerns through direct interfacing with senior government officials.

It also aims to provide venue for citizens to access a one-stop-shop of frontline services and national program down to the region.

Inputs gathered during the meeting will be included in the creation of the Philippine Open Government partnership (PH-OGP) National Action Plan for 2019-2021.

Jessa Mardy Samidan, PIO-Baguio Mobile app from page 2 Manila Water mula sa pahina 2 kanyang ahensiya na ilipat ang inspection sa Beckel, La Trinidad ay tugon sa paulit-ulit na apela ng pamahalaang lungsod ng Baguio para sa mga iba’t-ibang mga ahensiya ng gobyerno; mga motor vehicle owner; mga business establishment; at mga iba pang sector, bilang inisyatibo para mapabuti ang daloy ng trapiko sa lungsod.

Umapela si Almora sa mga motoristang magpaparehistro o mag-rerenew ng kanilang mga sasakyan na makipagtulungan sa nasabing paglipat ng inspection at stenciling site sa Beckel impounding area dahil ang nasabing lugar ang siyang natukoy na may mas malawak at sapat na espasyo para sa parking.

Ang registration office ng LTO ay matatagpuan sa Pacdal, sa isang bahagi ng lugar na pag-aari ng Department of Information and Communication Technology (DICT) kung saan ang paggamit ng lugar ay sakop ng isang deed of usufruct.

Siniguro ni Almora sa mga motorista at mga may-ari ng sasakyan na ang mga tauhan ng LTOCAR, sa kahit anong tanggapan sa kanilang distrito, ay magbibigay ng kalidad na serbisyo sa dahil nais ng nasabing ahensiya na  pagbutihin at gawing makabuluhan ang kanilang imahe at burahin ang kahit anumang negatibong impresyong tumatak sa isip ng mga tao dahil sa mga paglingat ng ilan sa kanilang mga tauhan sa serbisyo.

Dexter A. See, PIO-Baguio/Merriam del Rosario-ABN

Amianan Balita Ngayon