Lungsod inaayos ang proseso ng pagbabakuna

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Trinatrabaho ng pamahalaang lungsod na mapahusay ang proseso ng pagbabakuna laban sa Coronavirus disease (COVID- 19) upang tugunan ang umusbong na mga problema simula ng roll-out nito noong Pebrero.

Alinsabay nito ayu inutos ni Mayor Benjamin Magalong ang paggamit ng contingency plans upang masiguro ang maayos at madaling schedule ng
pagbabakuna at proseso sa panahon ng tag-ulan.

Pinangunahan ng Mayor ang Management Committee (MANCOM) na binubuo ng department heads ang isang observation tour sa apat na main vaccination sites sa University of Baguio, St. Louis University, St. Vincent at SM Baguio noong May0 25 upang i-assess ang mga pamamaraan at sitwasyon.

Nagpulong ang team matapos nito upang talakayin at magrekomenda ng mga solusyon sa mga problemang natukoy.

Nagkasundo sila na bawsan ang proseso sa paggamit ng isang unified at paperless system upang mapahusay ang bilis at magbigay pa ng karagdagang support system gaya ng paglalagay ng mas maraming directional signs, public address systems, music at sound system upang masiguro ang kaginhawaan para sa mga magpapabakuna.

Para sa lugar ng UB kung saan limitado ang espasyo at ang pagdgsa ng mga tao ay nagdudulot ng kaguluhan, nagkasundo ang mga opisyal na baguhin ang istratehiya sa pagbabawas ng bilang ng mga barangay at residente na naitalaga at hilingin ang paggamit ng mas maraming gusali upang makontrol ang pagdating ng tao at maalis ang mga pila sa labas.

Iroroll-out ng City Health Services Office at ng Management Information Technical Division ng City Mayor’s Office ang optimized vaccination process na magbabawas sa mga hakbang mula lima sa tatlo na lamang kasabay ng pinahusay na sistema ng pre-registration masterlisting.

Sinabi ng Mayor na paiigtingin ng lungsod ang pagsali ng mga barangay sa aspeto ng preregistration upang maiwasan ang wealk-in online registration na nagpapabagal sa proseso. Sinabi niya na regular na gagawin ang onsite inspections upang patuloy ang pagpapabuti sa mga kahbang base sa pangangailangan at pagbabagong darating.

“This is needed to help our City Health Services Office (CHSO) which despite the odds and the overwhelming tasks, continues to do a great job considering their limited resources and manpower,” ani Mayor.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)