Lungsod minamadali ang pagpapatayo ng 2 health centers

LUNGSOD NG BAGUIO – Ginagawa ngayong ng lungsod ang lahat ng makakaya upang maumpisahan ang konstruksiyon ng dalawang health centers sa strategic areas upang mas mapaayos ang paghahatid ng health care services sa mga tao sa mga barangay at tumulong na mapabuti pa amg pagtugon ng lungsod laban sa Coronavirus Disease (COVID- 19).
Sinabi ni City Administrator Bonifacio dela Peña na ang panukalang health center sa Bakakeng Norte/Sur na itatayo sa isang lupa na donasyon sa lungsod ng isang subdivision ay kailangang masimulan ang konstruksiyon bago Hunyo upang sa gayon ang PhP20 milyon na pondo na inilaan sa proyekto ng public works department ay hindi maibabalik sa general fund dahil ito ay kinuha mula sa Bayanihan 2 Law.
Sa kabilang banda, inihayag niya na ang panukalang health center sa Aurora Hill na itatayo sa isang bahagi ng Bayan Park ay kailangan ding magsimula na dahil bahagi ng pondo para sa proyekto na nagkakahalaga ng PhP10 milyon mula sa health department ay kinuha mula sa ahensiya sa bisa ng parehong batas. Para sa Bakakeng health center, sinabi ng city administrator na ang mga plano ay nasa Bids and Awards Committee (BAC) na at handa nang mai-bid sa oras na ang sitwasyon ng donasyong lupa ay matiyak ng technical personnel ng lungsod.
Sa kaso ng sa Aurora Hill health center, ang istruktura ay itatayo sa lupa ng DepEd subalit sa isang 300-meter na lupa malapit sa senior citizens center upang maiwasan ang posibleng sigalot sa hinaharap na maaaring makaantala sa pinakahihintay na pasilidad sa Aurora Hill district.
Ayon sa kaniya, ang dalawang health centers na magkakaroon ng sapat na parking areas para sa kani-kanilang mga kliyente upang maiwasan ang hindi maayos na pagpaparada ng mga sasakyan na magiging sanhi ng pagsikip ng trapiko sa palibot na mga lugar.
Tiniyak ni Dela Pen®a ang pangangailangan sa agarang implementasyon ng programang pagtatayo ng health centers upang ang ibinigay na mga pondo ay hindi ibabalik sa general funds para sa mga tao ng Aurora Hill at Bakakeng districts na mabebenipisyuhan mula sa karagdagang health care services na iaalok ng napahusay na mga pasilidad.
Habang ang ilang departamento ay gumagawa kung paano agad na masimulan ang nasabing mga proyekto, ang local legislative body ay tratrabahuin ang amendment ng isang ordinansa na nagbabawal ng pagtatayo ng mga istruktura sa loob ng Bayan Park upang maisagawa ang planong Aurora Hill district health center.
Nauna dito, hiniling ng mga health officials ng Aurora Hill district health center sa lokal na gobyerno ang isang mas malawak na espasyo upang matugunan ang dumaraming bilang ng arawaraw na mga kliyente na payagang ikonsidera ng lungsod ang pagpapatayo nito sa 300-meter na bahagi ng Bayan Park area.
Kasunod nito, ang Bakakeng district health center ay magsisilbi bilang kapalit ng Atab district health center na nakatakdang idemolish dahil ito ay nasa road-right-of-way ng Balacbac at Mount Sro. Tomas road upang bigyan-daan ang implementasyon ng road widening projects sa hinaharap sa nasabing mga lugar.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon