Lungsod nagtayo ng vaccination sites para sa mga sektor na may clustering of cases

LUNGSOD NG BAGUIO – Maliban sa mega vaccination sites at mga mobile team, nagtayo ang lungsod ng satellite inoculation areas upang pagsilbihan ang mga sektor na may clustering ng Coronavirus disease (COVID-19) cases.
Sinabi ni Mayor Bnejamin Magalong na ang sectoral targeted sites ay itinayo sa city market upang mabakunahan ang mga vendor at sa Baguio City National High School para sa mga guro at school personnel.
Ang mga nasabing sektor ay may multiple positive cases sa mga nakaraang linggo at pinabilis ang pagbabakuna upang mahadlangan ang mas marami pang impeksiyon, ani ng mayor.
Sinabi niya na kinakailangan ito dahil ang lungsod ay naghahanda na harapin ang posibleng pagdami ng mga kaso dahil sa pagkalat ng Delta variant. Plano ng lungsod na magsagawa ng targeted immunization para sa ibang high risk industries gaya ng mga manggagawa sa Philippine Export Zone Authority (PEZA) locators, business process outsourcing (BPO) companies, construction sites at iba pa na may case clusters.
Sinabi ng Mayor na layon ng lungsod na pabilisin ang pagbabakuna sa lahat ng priority groups subalit dahil sa limitadong siplay ng bakuna, hindi ito agad magagawa.
“We are balancing our way between a high demand for vaccines and a limited vaccine supply and there is also the need to control infections amid the threat of the more harmful variants. So please bear with us,” aniya.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon