LUNGSOD NG BAGUIO AT SAN ANTONIO LUMAGDA SA SISTERHOOD TIES NOONG NAKARAANG LINGGO

LUNSOD NG BAGUIOPormal na nilagdaan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at San
Antonio City Mayor Ronald Nerinberg ang isang kasunduan nang “sisterhood ties” na magtutulungan sa aspetong pang ekononomiya at palitan ng mga ideya sa usaping pangpamahalaan. Ang pirmahan ng Memorandum of Agreement ay ginanap sa Belle House , Camp
John Hay noong nakaraang Huwebes ng gabi (Hulyo 13, 2023).

Dinaluhan din nina Baguio Kongresman Mark Go , Baguio City Vice-Mayor Faustino Olowan at ilang pang miyembro ng Konseho na sina Vladimir Caybas, Leandro Yangot Jr. Elmer Datuin, Jose Molintas, Artthur Alad-iw, Betty Lourdes Tabanda, Benny Bomogao Peter Fianza, Fred Bagbagen,at IPMR Maximo Edwin .Naroon din bilang witnes ang ilang deligado na kasama ni Mayor Nerinberg mula sa San Antonio City at mga opisyal ng US Embassy.

Ayon sa kasunduan ng dalawang syudad ay parehas na nagkasundo na magsagawa ng ilang pag-aaral na makakatulong sa bawat isa sa larangan ng commercial, trade and industry, sa turismo , sa
health care , education, socio cultural , ecology at sustainability, military at emergency management. Bukod dito ay magkakaroon din anila ng kasunduan sa larangay ng publishing sa pagitan ng dalawang syudad na sila ay kapwa makikinabang . Isasagawa rin ang palitan ng kaalaman sa pang kultura at iba pang pang edukasyon sa bawat isa.

Idinagdag pa sa kasunduan na ang tanggapan ng Baguio City Tourism Office at ang San Antonio
City Global Engagement Office na nasa ilalim ng pamumuno ng Economic Development Department ay magsasagawa ng palitan ng mga ideya sas larangan ng pagpupunyagi na mapaunlad ang turismo at ekononomiya ng dalawang syudad. Kapwa naging masaya ang mga representante ng lunsod ng Baguio at ng San Antonio City na anila ito na ang simula ng maayos na ugnayan ng dalawang syudad at inaasahan na magiging matagumpay sa pagdating pa ng panahon.

Binigyan ni Magalong ang symbolic key ng syudad na gawa sa silver bilang token kay San Antonio City Mayor Nerinberg ay pormal din na iniabot ang token nito kay Mayor Magalong ang isang
silver coin na mula sa kanilang syudad. Napag-alaman na ang San Antonio City at ang Lunsod ng
Baguio ay may pagkakatulad sa usaping pangturismo, pang kalusugan , edukasyon , sociocultural , military at emergency management at maging sa kultura, Sining at pamamalakad sa gobyerno.

Ang San Antonio ay ideneklara ng United Nations Educational , Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang isang Creative City for gastronomy samantalang ang Lunsod ng Baguio naman ay kilala bilang Creative City for Crafts and Folk Arts. Nagpasalamat din si Mayor
Nerinberg sa malugod na pagsalubong at pag-aasikaso sa kanila ng mga opisyal ng Baguio sa
kanilang 25 na katao bilang delegasyon na dumating sa lunsod at inaasahan niya na magiging matagumpay ang samahan bilang “magkapatid” na halos aniya ay hawig ang kanilang mga aspeto para sa lunsod.

Isang resolusyon naman mula sa Baguio City Council ang inaprubahan sa pamumuno ni ViceMayor Faustino Olowan na kung saan ay ideneklarang “adopted son” si Mayor Ronald Nerinberg ng
lunsod ng Baguio. Nagpasalamat din si Mayor Magalong kay Mayir Nerinberg at sa mga kasamahan nito sa pagpunta nila sa lunsod at inaasahan niya umano na magiging matagumpay
ang kanilang samahan.

Dexter See /PIO Baguio City

Amianan Balita Ngayon