Lungsod ng Vigan bumili ng hotel para sa COVID-19 Quarantine

Vigan Ilocos Sur – Bumili ang Pamahalaang Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur ng isang hotel upang palakasin at dagdagan ang quarantine facilities nito.
Ayon kay Vigan City Councilor Kristen Figueres, naudyukan ang pamahalaang lungsod na bilhin ang Hotel Collado dahil kulang ang kanilang mga aktibidad sa quarantine at isolation. Sinabi niya na naprubahan ng konseho ng lungsod ang pagbili ng nasabing hotel sa pamamagitan ng Council Committee on Finance.
Ang nasabing hotel ay binili ng lungsod sa halagang PhP20 milyon. Pagsisilbihan nito ang mga returning residents ng Lungsod ng Vigan na uuwi kung maayos na ang sitwasyon.
Samantala ay ipinaalala ni Mayor Juan Carlo Singson Medina ng Vigan City sa mga residente ng patuloy na sumunod sa health protocols.
Sinabi niya na nalulunod na ang health care system at ang kasalukuyang dalawang isolation facilities ay malapit nang mapuno.
Nanawagan ang Mayor sa mga tao na gawin ang kanilang bahagi na huwag pabigatin ang mabigat nang sistema ng depensa.
“The premium you place in your health and safety now will give yout the future you envisioned to happen,” ani Mayor.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon