Malinaw pa sa sinag ng araw ang walang habas na pagyurak sa kagandahan ng beach at
kalapastanganan sa kapaligiran sa Barangay Pugo, Bauang, La Union na tinayuan ng mga permanente at pangnegosyong buildings gaya ng beach houses. Mahigit dalawang taon nang reklamo ang iligal na pagokupa sa naturang public land na walang pakundangang tinayuan at pinagkakakitaan ng mga pribadong indibidwal na animoy pribado nilang pag-aari ang beach.
Nag-imbistiga naman ang Bauang LGU, ngunit dumulog pa ito sa pamahalaang probinsyal upang humingi ng payo sa suliraning kaya naman sana nitong resolbahin ayon sa kapangyarihang naigawad dito ng Local Government Code. May kinatatakutang kayang impluwensyadong tao ang pamunuan ng Bauang, La Union lalo na ang Building Official dito kaya hindi maipatupad ang batas
kontra sa pangakamkam sa naturang pampublikong lupain?
Noon pang Pebrero 10, 2022 ay nag-issue na ng Notice of Violation ang La Union Provincial Environment Office, ngunit tinulugan din ng natukoy na opisina ang kalapastanganan, dahil
nanatiling Notice of Violation na lamang ang aksyon nito at hindi nagsampa ng kaso laban sa
mga taong impluwensyadong lumalapastangan sa batas at kapaligiran. Nililitis na ng Office of the
Ombudsman ang reklamong gross neglect of duty, dereliction of duty, paglabag section 3C ng Anti-graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa RA 11032 o Ease of Doing Business Act kontra kina
Maximo Soriano Jr., Engr. Raymundo Gayo, Engr. Cezar Manuel Cabansag, Atty. Claro Ramolete at Alfredo Racoma Jr., lahat na pawang mga opisyal na direktang may kinalaman sa isyu.
Marahil may ibang katungkulan na sa DENR ang mga naturang opisyal, ngunit nananatili ang kinasangkutan nilang paglabag. Marahil hindi pa napagtanto ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bauang na sa pagwawalang bahala nila sa sinumpaang tungkulin at maaring kakaharapin rin nila ang mga kaso kung saan nililitis ngayon kontra sa mga opisyal ng DENR-La Union. Muling nananawagan ang mamamayan ng barangay Pugo, Bauang, sampu ng buong bayan, ang agarang pagtalima ng mga halal na opisyal kasama ang mga ginawaran ng tungkulin na magpatupad ng batas at magkalinga sa kapakanan ng kapaligiran.
June 3, 2023
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
August 31, 2024