MAG-AMANG DUTERTE…. BIDA SA KONGRESO!?@#$%

Kung isang pelikula sana ang ginagawang imbestigasyon ng Kongreso (Senate at House)…ang mag-amang Duterte ang BIDA. Bakit? Eh, sila ang sentro ng lahat ng mga eksena. Ganern? Kamakailan, umusad ang dalawang imbestigasyon sa Senado at House (Quadcom). Marami ang nalaglag na kilay dahil sa bigat ng mga pagbubulgar. Bukingan na, pards. Nagsentro ang isyu kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga maraming kaganapan mula noong siya ay mayor ng Davao City hanggang sa nag-kongresman at Presidente ng bansa. Iisa ang labanan: EJK o ang Extra Judicial Killings.

Ano ba ire? Ito ba yong “Tokhang” o parte lang ito? Ang EJK ay isyu ng pagpatay ng napakaraming tao na diumano ay dawit sa illegal na droga. Libo ang mga nasawi at lumalabas sa mga batikos na ang mga ito ay totoong dawit sa droga at mga nasabit lang sa pagkakataon o mga “collateral damage”. Katunayan…dumalo pa sa pagdinig ang mga magulang o kaanak ng mga nadawit sa patayan na wala namang kinalaman sa droga. Eh, simple lang at kapiraso ang sagot ni dating Presidente Digong: “eh, kasama na yan sa eksena ng mga raid na ginawa”. Na ang ibig sabihin, hindi sinadya pero nagkataon lang.

Marami pang ipinukol na mga tanong at sinagot naman ni Digong. Inako pa niya na may apat raw na Tsino na kanyang “pinatay” dahil sila ay mga talamak na “drug lords”. Inako pa niya na ang mga pagpatay sa mga dawit sa
droga ay kanyang utos pero hindi raw kasama ang mga bangag o “users”. Nangyari daw ito upang malinisan ang
bayan sa illegal na droga na siyang salot sa lipunan. Naungkat din ang hinggil sa “reward system” at sinabi niyang kanya etong pinondohan para mas mabilis ang kanyang misyon kontra droga. Nakakapanindig-balahibo ang mga rebelasyong lumabas sa paggiling ng mga tanong ng mga mambabatas at deraktang sinagot lahat ng dating Pangulo.

At ang pinakamabigat na bomba ay ipinutok naman ni dating senador Trillanes kung saan abot sa P2.4 bilyon ang
kabuuan diumano ng mga perang pumasok sa kaha nina Digong at anak nitong si bise presidente Sara Duterte. Dito
na nagliyab ang galit ni Digong na inakma pang batuhin ng mikropono si Trillanes. Sa huling upak ni Digong…sinabi
niyang si Trillanes ay “tuta” raw o “ginagamit na instrumento” ng administrasyon. Sinupla naman ito ng palasyo sa pamamagitan ni Exec. Sec. Bersamin. Isang “hallucination” daw ito ni Didong. Sa mga pagdinig naman sa Quadcom hinggil sa “confidential fund” issue kay VP Sara…sunod-sunod ang mga inimbitahan ng mga komite at humarap sa imbestigasyon.

Ang pinakahuli ay ang pagpapakita ng mga dokumento hinggil sa diumano may paglalabas ng limpak na pera sa utos diumano ng OVP o Office of the Vice President. Turuan na ang nangyari at lalong dumami ang mga personahe na nadadawit hinggil sa isyu ng “confidential fund”. Iisa lang naman ang pinaninindigan ni VP Sara: “walang anomalyang naganap sa isyu ng confidential fund”. Kung sa isyu ng pera ang usapan…abot sa P2.4Bilyones kay dating pangulong Duterte samantalang Milyones naman kay VP Sara. At sa isinasagawang imbestigasyon… May
mapaparusahan kaya sa Mag-amang inaasunto? Ano kayang klaseng parusa kung sakali? Malapit na ang lokal na eleksiyon. Tumatakbo sa pagka-mayor si dating pangulong Digong. Matunog ding tatakbo bilang presidente si Sara sa 2028. Abangan ang mga naglalagablab na mga isyu sa darating na panahon. Bato-bato sa langit. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon