MAG-ASAWA ARESTADO SA PAGBEBENTA NG PREGISTERED SIM CARD

POZZORRUBIO, Pangasinan

Arestado ang mag-asawa sa pagbebenta ng pre-registered sim card, matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit Cordillera Administrative Region (RACU-CAR) sa Pozorrubio, Pangasinan noong Nobyembre 26. Ang mga suspek na isang 28- anyos na babae at isang 31- anyos na lalaki, kapwa
residente ng Pozorrubio, ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 11934, na kilala rin bilang
Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act o Cybercrime Prevention Act of 2012, kaugnay sa pagbebenta ng pre-registered Sim Card sa Pangasinan.

Ayon kay Col. Larry Buansi, chief ng RACU-CAR, natuklasan nila ang ilegal na gawain ng mag-asawa sa
pamamagitan ng social media, kung saan ini-advertise nila ang pagbebenta ng mga pre-registered SIM card sa isang
buy-and-sell group. Nakipagkasundo ang isang undercover police sa isang transaksyon sa mag-asawa na magkita sa Barangay Cablong, Pozorrubio. Sa operasyon, kasama ang Pozorrubio Municipal Police Station ay arestado ang mag-asawa matapos magbenta ng 588 piraso ng pre-registered at unregistered DITO SIM cards na nagkakahalaga ng P8,820.00.

Nanawagan din si Buansi sa publiko na mag-ulat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa cybercrime sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang unit o sa Cyber Response Team nito sa pamamagitan ng kanilang
mga hotline o opisyal na social media account upang makatulong na maiwasan ang paglaganap ng mga ilegal na
aktibidad at protektahan ang publiko mula sa cybercrime.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon