Mag-asawang teacher patay sa aksidente

Headlines

CAMP DANGWA, Benguet – Patay ang mag-asawang teacher matapos salpukin ng isang dump truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang papunta sa paaralan sa bayang ng Pudtol, Apayao, noong Biyernes.

Nabatid kay PMajor Carol Lacuata, regional information officer ng Police Regional Office-Cordillera, nakilala ang biktimang sina April Mark Abad Ventura,30 at asawa nitong si Jaysa Agustin Ventura, 28, ng Barangay Dagupan, Luna,Apayao at kapuwa guro sa Mataguisi Comprehensive National High School (MCNHS).

Sa imbestigasyon ng Pudtol Municipal Police Station, ang mag-asawa na kapuwa naka-suot ng rain coats, dahil sa malakas ang ulan ay sakay ng kanilang motorsiklo papunta sa kanilang paaralan dakong alas 8:00 ng umaga.

Habang papaliko sa national highway ng papalapit sa paaralan ay nabangga sila ng dump truck na minamaneho ni Reynaldo Aquino Maruquin, 39, ng Barangay Marcela, Sta Marcela,Apayao. Mabilis na isinugod ng mga nag-respondeng residente sa lugar ang mga biktima sa Amma Jadsac District Hospital,Pudtol,Apayao, pero agad din ibiniyahe papuntang Cagayan Valley Medical Center, Tuguegarao City,Cagayan, subalit idineklarang dead on arrival si April Mark,dakong ala 1:30 ng hapon.

Dakong alas 2:15 ng hapon ay nakatawag ng tawag ang Pudtol MPS mula kay Atty. Marveluna Para?al at ipinaalam na ang kanyang pinsan na si iJaysa ay namatay din ng araw na iyon.

Zaldy Comanda/ABN