Magalong biglang kambiyo sa muling pagpapatupad ng liquor ban

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa isang biglang pihit ng pangyayari, hindi na muling ipapatupad ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pansamantalang pagbabawal sa pagtitinda ng alak.
Ang dapat sanang desisyon na muling ipatupad ang pagbabawal sa alak epektibo noong Lunes (Setyembre 21) ay nag-ugat sa mga napag-alaman na isa sa mga sanhi ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lugar ng Slaughterhouse ay ang hindi nakontrol na inuman.
“It seems that we never learned from our past experience on the dangers posed by overindulging in alcohol. When we indulge, we do not anymore care about the health protocols so things lead to serious consequences like this clustering of cases that we now have in that area,” ani Magalong.
Sa biglang pagbabago ng puso ay hindi na ipag-uutos ni Magalong ang isang ikatlong liquor ban, bagaman mahigpit niyang ipinaalala ang pagsunod sa health protocols at mahigpit na sumunod sa batas na “no sharing of shot glass and utensils” rule.
May kabuuang 38 kaso ang naitala na sa luagr ng Slaughterhouse na karamihang inookupahan ng mga manggagawa ng katayan. “It is alarming considering how delicate their job is,” pagbibigay-diin ng mayor. Iniutos ni Magalong ang pagpapatindi ng lahat ng COVID-19 control systems upang mapaglabanan ang inaasahang pagbulusok ng mga kaso bilang resulta ng agresibong contact tracing at expanded testing dito.
Sa 43 bagong mga pasyente na naiulat noong Linggo, 33 ay mga contact ng current cases (CT), walong symptomatic (S), dalawa mula sa expanded testing (ET). Isang pagrepaso sa mga proseso at sistema na ipinapatupad sa slaughterhouse ay ikinokonsidera din upang matukoy at itama ang puwang sa health protocols.
Ang parehong utos ay ipinatupad sa ibang problemadong lugar, ang lugar sa lagoon at Lourdes Ext. upang mapabilis ang paglilinis, disinfection at pagtunton sa mas maraming contacts. Iniutos ni Magalong ang hard lockdown sa mga lugar ng Slaughter at Lagoon umaga ng Linggo sa loob ng 14 na araw. Magbibigay ang City Social Welfare ng pagkain sa nasa 50 mga pamilya.
Mas maraming teams ang ikinalat upang tugunan ang pagdami ng mga kaso sa pagpapatupad ng contact tracing, disinfection, isolation, quarantine, testing at medical interventions lalo na sa mga darating na araw kung saan ang mga resulta ng expanded testing na isinagawa noong Setyembre 17 at 19 ay inaasahang malalaman.
AAD/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon