Magalong kinansela ang Panagbenga, sinuspinde ang CARAA dahil sa COVID

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng isilang ito noong 1995, ang pinakamalaking pista ng Summer Capital ay hindi maisasagawa sa taong ito dahil sab anta ng coronavirus disease (COVID-19) na nakaapekto sa maraming bansa sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas.
Nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang state of public health emergency sa buong bansa dahil sa virus na hakbang upang makaresponde ang buong gobyerno upang maibsan ang mga epekto at apekto sa bansa at mamamayan.
Ginawa ni Mayor Banjamin Magalong ang pahayag sa pagkansela sa ika-25 Baguio Flower Festival o Panangbenga noong Lunes sa isang press conference sa City Hall kasunod ng ayon sa kaniya a matagal at maingat na deliberasyon kasama ang city inter-agency task force at iba pang concerned stakeholders.
“This was not an easy decision to make but it is better to overreact than be sorry,” pagdidiin ng Mayor. Sinuspinde rin ni Magalong ang Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) competitions na ang lungsod ang host sa taong ito; operasyon ng night market sa Harrison Road sa loob ng 14 na araw simula Marso 1o; at pedestrianization ng Session Road kada Linggo depende sa sitwasyon sa darating na mga linggo.
Sinabi ng Mayor na nakipagkita siya sa mga kinatawan ng grupo ng night market vendor na buong-puso silang sumang-ayon sa pansamantalang suspensiyon ng operasyon.
Hinihiling din ni Magalong sa mga organizer ng mga dinudumog ng tao na mga aktibidad na may naka-schedule na mga aktibidad sa lungsod na ikonsiderang pansamantalng suspendihin ang kanilang aktibidad upang mahadlangan ang posibleng pagkalat ng sakit.
Umapila ang Mayor sa publiko na manatiling kalmado at huwag mag-panic kundi ipagpatuloy ang tamang kalinisan, tumugon sa mga advisory ng mga awtoridad ng kalusugan, at huwag magpakalat ng maling impormasyon sa social media o iba pang outlets na magdudulot lamang ng kalituhan o panic.
“We enjoin everybody to be calm and united as we pray that a solution to this disease will immediately be found,” ani Magalong. Gayundin ay sinuspinde ng Department of Health ang lahat ng nakatakdang national at regional events na sasalihan ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang lugar, gaya ng regional meets hangga’t may panibagong anunsiyo.
 
GK-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon