Magalong nagbabala laban sa parang tusong paggamit ng kaniyang pangalan

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagbabala si mayor elect Benjamin Magalong sa mga establisimiyento at sa publiko laban sa mga taong gumagamit sa kaniyang pangalan para mangikil ng pera o kumuha ng supply o pagkain gamit ang kaniyang pangalan bilang
pambayad sa mga pinamili o kinain.
“May I take the time to warn our business shops, especially restaurants and eateries, not to entertain or accept the placement of orders for food, etc. supposedly under my name and authority,” ani Magalong sa isang advisory.
Sinabi sa advisory na tatlong walang kamalay-malay na establisimiyento ang nabiktima na ng ilang tao na sa oras na ng bayaran ay sinabing i-charge na lang ang kanilang kinain, load at iba pa sa account ni Magalong.
Sinabi ni Ferdie Balanag, isang staff ni Magalong noong Huwebes na ang ikatlong insidente ay nangyari noong Hunyo 4, ang pinakahuling mga serye ng insidente sa loob ng sampung araw kaya agad naglabas ng isang public advisory si Magalong at ipinadal rin sa media para patiunang balaan ang publiko ukol sa paggamit ng kaniyang pangalan.
Sinabi niya kung may insidente na ginagamit ang pangalan ni Magalong ay maaaring tumawag ang publiko sa (074)665-2369 o 0916-418-5523 para sa beripikasyon o ulat.
Sinabi niya na ang unang insidente ay isang health restaurant na laging pinupuntahan ng kaniyang asawa.
Ang ikalawa ay sa isang restaurant sa Session Road na pinupuntahan din niya kasama ang kaniyang asawa.
Ang ikatlo ay sa isang steak house malapit sa Pacdal kung saan nagkikita-kita ang mga organisasyon ni Magalong. Sinabi ni Balanag na diumano’y tumawag si Magalong sa establisimiyento at hiniling na magpadala ng PhP8,500 mobile phone load na ibinebenta rin ng establisimiyento.
Hiniling ng tumawag na ipadala ang nasabing load sa ilang numero at nang subukang kontakin ay hindi na ito aktibo. Sinabi ni Balanag na ang mga insidente ay nai-record na sa BCPO na sa ngayon ay iniimbestigahan na ang kaso.
Sinusuri din ang mga camera recording ng closed circuit television (CCTV). Isang kahalintulad na imbestigasyon ang isinasagawa ng grupo ni Magalong para sa posibilidad na ang ang suspek ay maaaring isa sa kaniyang grupo na alam ang mga establisimiyentong kaniyang pinupuntahan.
Sa advisory, sinabi ni Magalong na, “I am saddened that such incidents are being done with the obvious intent to discredit me and bring me dishonor.”
Hiniling niya sa mga residente ng Baguio na maging mas maalam at beripikahin ang katotohanan ng impormasyon.
“As I continue preparing to assume office per our people’s mandate, I appeal for everyone to be more circumspect and do what is just
and right in the way we conduct ourselves outside our home and workplace,” ani Magalong.
“Please help me ferret out these perpetrators by calling the attention of the business owner, manager, and reiterating this disclaimer on my behalf. May I repeat: I have not and will never allow the use of my humble name for dastardly acts such as these,” dagdag niya.
 
PNA/PMCJr/ABN

Amianan Balita Ngayon