Huwag mabahala tungkol sa iyong kayamanan na natinggal sa mga baul, maliban na ikaw ay may pananampalataya kay allah, ang iyong matatayog na kastilyo at yung luntiang halamanan ay magdudulot lamang sa iyo ng pagkabalisa, pagdurosa at kawalan ng pag-asa… HUWAG MALUNGKOT maski ang dayagnosis (pagsusuri) ng doctor at ang
gamot niya ay hindi makapagpapasaya sa iyo kung papayagan mo ang kalungkotan na mamalagi sa iyong puso na
hinahayaan ito na tumagos sa iyong emosyon at sa iyong pagkatao.
HUWAG MALUNGKOT ikaw ay mayroong kakayahan na manikluhod kay allah at sa ganito , ikaw ay mahusay na
nagpapakababa ng iyong sareli sa paanan ng pintuan ng hari ng mga hari, ikaw ay mayroong huling bahagi ng isang katlo (1/3) ng pinagpalang gabi upang manalangin sa dakilang panginoon at upang idampi mo ang iyong ulo sa sahig sa pagpapatirapa… HUWAG MALUNGKOT si allah ay lumikha para sa iyo ng kalupaan at kung anoman ang narito, kanyang hinayaan ang halamanan ng kagandahan ay yumabog, na pinupuno niya ito ang maraming uri ng halaman at mga bulaklak sa pares, kapwa lalaki at babae, at ginawa niya ang matataas na punong palmera mga nagniningning na bituin, mga kagubatan , mga ilog at mga dalisdis , gayon paman ikaw ay malungkot! HUWAG MALUNGKOT
ikaw ay nakakainum ng dalisay na tubig, ikaw ay lumalanghap ng sariwang hangin, ikaw ay nakakapaglakad na malusog sa iyong dalawang paa at ikaw ay natutulog sa gabi na mapayapa.
September 15, 2024
September 15, 2024
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 10, 2025
February 10, 2025