MAGKAPATID NAHULIHAN NG MGA BARIL SA ITOGON, BENGUET

ITOGON, Benguet

Nagsagawa ng search warrant operation ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit, na nag-resulta ng pagsamsam ng mga baril at bala sa isang magkapatid sa Ampucao,Itogon, Benguet. Ayon kay Col. Sancho DJ Mercado, CIDG regional director, ang magkapatid ay nahaharap ngayon sa kasong
paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act),matapos ikasa sa kanila ang Oplan Paglalansag Omega sa ilalim ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Mervin Jovito Samadan, ng FJR, RTC, Hall of Justice, Bonuan, Tondalingan, Dagupan City, Pangasinan.

Nakuha sa bahay ng magkapatid ang isang M14 Rifle; isang 12-gauge Shotgun Rifle; isang Cal 45; at 77 rounds ng live ammunition. “Under its flagship project OPLAN Paglalansag Omega, aimed at loose firearms, ang CIDG ay patuloy sa mandato nito na hulihin at kumpiskahin ang mga hindi lisensyadong baril tulad nito na posibleng magamit sa mga iligal na aktibidad, dahil ang gusto ng pulis ay ligtas ka!” pahayag ni Mercado.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon