Magnanakaw, arrestado nang nakipagkita sa biktima

LA TRINIDAD, BENGUET – Huli sa akto ang isang lalaki nang sinubukan niyang humingi ng P5,000 kapalit ng ninakaw niyang cellphone ng biktima noong Marso 14, 2017.
Nakilala ang suspek bilang si Ronald Galvan Soriano, 30 anyos, isang tindero habang ang babaeng biktima ay hindi na pinangalanan.
Ayon sa biktima, nawala ang kanyang cellphone nang gumising siya sa isang inuman sa lungsod ng Baguio. Sinubukan niyang i-contact ang cellphone, sinagot naman ito ni Soriano at humingi ng P5,000 kapalit ng cellphone.
Napagkasunduan ng biktima at ni Soriano na magkita sa waiting shed sa harap ng La Trinidad Municipal Hall kaya humingi ng tulong sa pulis ang pinsan ng biktima para mahuli si Soriano.
Habang nagaganap ang transaksyon, inaresto si Soriano ng kapulisan. Noreen D. Cruz, UB Intern

Amianan Balita Ngayon