Magnegosyo upang umasenso

Pagnenegosyo na nga ba ang sagot upang umasenso? Napanganak kang mahirap, nasa sa iyo kung mamamatay kang mahirap.

Sa ilan, ang pagnenegosyo ay maaaring epektibo ngunit sa iba ay mas gugustuhing manilbihan sa mga malalaking kompanya na maganda ang management at sweldo. Ang iba naman sa atin ay gusto ang magtrabaho sa gobyerno sa dahilang maganda nga naman ang mga benepisyo.

Kasamaang-palad lang na sa taas ng populasyon sa Pilipinas, marami rin ang nangangailangan ng trabaho. Ang sabi ng ilan, maraming trabaho pero hindi naman kasi ito konektado sa kursong kanilang natapos. Pu-pwede na sana ang trabaho sa kanila ngunit wala naman itong eligibility at minsan naman sumobra ng eligibility na maaari nang threat sa posisyon ng iba. Maraming trabaho ngunit minsan ang mga tao ay may ugaling mataas ang tingin sa sarili, mababa ang self-confidence, madaling maumay, easy money ang gusto at marami pang dahilan, ngunit hindi natin nilalahat.

Gayun pa man iKit, sa hirap ng buhay ngayon, wala ng pa-kyeme. Tulad ng inyong lingkod, basta legal at may hangarin na makatulong na nga aasenso pa, eh di manso! Kaya pak na pak ang proposed ordinance na “Prescribing guidelines in the implementation of the sustainable livelihood program under the Municipality Social Welfare Development Office of the Municipality of La Trinidad” or the “La Trinidad Sustainable Livelihood Ordinance” once approved.

Councilor Roderick Awingan said that under this proposed ordinance, there are qualifications in order to avail of this SLP. One is that the monthly income should be proven as below poverty line with the approval of the Sangguniang Bayan of La Trinidad. This is to reduce poverty incidence and improve the quality of life of underprivileged Filipinos. The LGU of LT continues to develop programs that are responsive to the needs of the poor.

In the General Welfare Clause Section 16 of the Local Government Code of 1991 it is essential that the LGU shall promote general welfare. Meanwhile, In the Bible (KJV) 2Corinthians 6:10 “As sorrowful, yet always rejoicing; as poor, yet making many rich; as having nothing, and yet possessing all things.” Ok na ang sapat kesa ang marami pero hindi ka naman masaya. Ok na ang merong isa kesa walang-wala. Ang makakain ng tatlong beses sa isang araw, may damit, tirahan at buong masayang pamilya ay blessing kaya ok na ang konti lang basta mula sa taas lahat ang grasya.

Kaya kung tipiran lang pero may class ang hanap mong kainan, kay Mommy La Bakery and Restaurant na ang inyong puntahan. Isama pa ang buong pamilya. Matatagpuan sila sa Brgy. Cruz, La Trinidad, Benguet after bridge, kulay gray at red ang building.

Sana maipasa ang La Trinidad Sustainable Livelihood Ordinance para sa ating mga iKit at Dang-at na walang trabaho pero gustong maghanap-buhay sa skills na meron sila.

Magtulungan po tayo dahil ako po ang inyong lingkod Tita Ara Katter ay hindi magsasawang magsabi “Ti panagkaykaysa, mangiwanwan iti naranyag nga pagsayaatan.”

Amianan Balita Ngayon