Magsasaka, patay sa pananaga sa La Union

Nov 25, 2017

NAGUILIAN, LA UNION – Patay ang isang 33-anyos na magsasaka dahil sa natamong mga saksak at taga nang natagpuan itong nakabulagta sa kahabaan ng Bessang Road ng Barangay Lioac Norte bandang 6am ng November 21, 2017.
Kinilala ni Chief Inspector Cirilo Butigan Jr., hepe ng Naguilian police, ang biktima na si Robert A. Lagasca, 33, residente ng Barangay Gusing Norte, Naguilian, La Union.
Natagpuan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 24 stab wounds at taga sa leeg na ikinamatay ng biktima.
Ayon sa pamilya ng biktima, lumabas si Lagasca sa kaniyang tahanan bandang 3:30am upang mamili ng mga scrap ng newspapers sa Baguio City na gagamitin sa kanilang sakahan, subalit, natagpuan na lang na walang buhay si Lagasca sa nasabing kalsada.
Ayon kay Butigan, naghahanap pa rin sila ng posibleng lead sa kaso kung ang biktima ay naharang ng suspek sa kahabaan ng kalsada na motibong nakawan, subalit naghahanap pa rin sila para sa higit pang imbestigasyon.
Sa crime scene noong Martes, hindi makilala ng mga pulis ang biktima dahil kulang sa impormasyon, “the victim has no identification (ID) or cellphone, aside from his clothing’s, just only a men’s hair comb recovered on his right back pocket jeans,” ani Butigan.
Unang naiulat sa himpilan ng pulis ang insidente kung saan nakita ng mga rumespondeng pulis ang biktima, na nalaslas ang leeg, ilang metro mula sa kaniyang motorsiklo (ZJ 4679).
Nakipag-ugnayan si Butigan kay Chief Inspector Melani Joy Ordoño, team leader ng SOCO Police Regional Office 1, para sa forensic investigation.
Unang lead ng insidente ay ang Official Receipt Certification of Registration (ORCR) ng motorsiklong nakarehistro sa pangalan ni Edward Apiado Soriano ng Brgy. Acao, Bauang, La Union, at napag-alamang naka-confine sa isang ospital dahil sa sakit, “the bike was possibly sold to the victim,” ani Butigan.
Ayon kay Ordoño, ang biktima ay nakilala lamang sa suot na Levis denim blue pants, blue shirt, olive green hooded sweatshirt, at maroon Adidas rubber shoes. Ang pagkakalilanlan sa biktima ay nasa pagitan ng 30-35 anyos, medium built, 5’3 ang taas. Maliban sa ORCR na nakuha sa motorsiklo, nakita rin ang ilang barya, ilang motor brake spare, tools, at Swiss knife. ERWIN BELEO

RELATED POSTS

PSBRC

PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga...

TULONG MEDICAL

TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan,...

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest