Magsasaka, tinaga sa Benguet

Mar 10, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Isinugod sa ospital ang isang magsasaka matapos itong tinaga gamit ang itak ng isang 27 anyos na lalaki.
Sa ulat ng Benguet police, dakong 8:30 ng umaga noong Marso 6 nang makatanggap sila ng tawag mula sa Benguet General Hospital-Emergency Room tungkol sa pananaga.
Pahayag ng ama ng biktima na si Carias Dimas, 54, magsasaka at residente ng Talinguroy, Wangal, Benguet, dakong 7am ng parehong araw ay inaayos niya ang kanyang water pump para sa mga pananim nang nakarinig siya ng malakas na sigaw na nanggagaling sa sapa.
Tinignan niya ito at nakita niya ang suspek na si Abel Cariño Ferraro alyas Jepon, 27, residente ng parehong barangay, na patungo sa lugar ng biktima na si Edward Cariño Dimas, single, residente rin sa lugar.
Sinuntok diumano ng suspek ang biktima kaya nahulog ito sa sapa. Nagpatuloy pa ang kanilang suntukan hanggang sa halamanan sa itaas ng sapa. Nang nakahandusay na ang biktima, kinuha ng suspek ang kanyang bolo at tinaga ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang likuran.
Dagdag pa ng ama ng biktima, habang sila ay naghihintay ng sasakyan, nagpunta ang suspek sa kanilang bahay at pinagbantaan siya na babarilin.
Nang ang suspek ay may kukunin sa kanyang bewang ay inawat na ito ng nakakatandang kapatid nito.
Naisugod sa ospital ang biktima sa tulong ng kanyang mga kamag-anak at kasalukuyang ginagamot.
Kinasuhan naman ng alleged frustrated murder ang suspek. MARK BROZULA VILLAFLORES, UB Intern

RELATED POSTS

PSBRC

PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga...

TULONG MEDICAL

TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan,...

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest