“MAGSAYSAY GIRLS” DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN NG AWTORIDAD-ORBELLO

BAGUIO CITY

“Mga babaeng nagbebenta ng panangdaliang aliw na kung tawagin ay “Magsaysay Girls” ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating awtoridad,” ito ang naging pahayag ng isang may-ari ng massage parlor na sinalakay kamakailan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cordillera (NBICAR). Iginiit ni Rey Obello,mayari ng Big Star Massage Parlor, na legal ang kanilang operation
na may kaukulang permit at health certificate ang mga empleyado.

“I have all the permits and government sanctions needed to operate a massage parlor,” pahayag ni Orbello. Si Orbello,kasama ang apat nitong empleyado ay kinasuhan ng NBI sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyenda ng RAs 11862 at 10364 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, as amended ng RA 10364 na kilala rin bilang Expanded Anti- Trafficking in Persons Act of 2012).

“Lahat ng aking masahista ay may mga sertipiko ng kalusugan upang ipakita na sila ay sumusunod
sa mga protocol ng kalusugan at mga regulasyon ng gobyerno,” dagdag pa ni Orbello. Sinabi ni Orbello, (wala siya ng maganap ang pagsalakay sa kanyang massage parlor at Red Rose massage parlor) “Hindi ko alam ang tungkol sa mga iligal na gawaing ginagawa sa aking establisemento.”

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon