Magsisibuyas ng bansa pinapahirap ng BOC

LOOK

Sa kabila ng pagkainis ni Bureau of Customs(BoC) Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa mga napapabalitang lumang kabulastugan ng mga kawani sa X-Ray Inspection (XIP) sa Manila International Container Port (MICP) ay parang talagang sinusubukan ng mga ito ang pasensiya ng kanilang hepe.

 

Bakit ka niyo?  Tumiba na naman kasi ito noong nakaraang linggo matapos maghayag si Comm. Jagger ng pagkainis. Eto ang siste, 30 lata o container na naglalaman ng sibuyas pero bawang ang nakadeklara sa papel ang pinakwalan nito sa halagang P200k na padulas kada lata. Mantakin mo nga naman ang swerte ng mga taga-XIP-MICP, bukod yan sa regular na tara o ‘for d boys’ na kanilang kinukuha sa mga nagpaparating ng mga lata.

 

Wala naman magagawa ang importer nito kundi bumigay sa grupo nila Ares Cascala, dahil ang katwiran nito,sila na rin ang bahala magbiyak sa iba pang hanay sa BOC, papunta sa Assessment Section, ESS, Intelligence Group (IG) at kay Collector na hawak naman at binaback-up ng Davao Group.

 

Ang XIP-MICP na ang umaako sa dirty work at ‘nagbibiyak’ ng kita para sa lahat, kasangga ang Davao Group ni Collector. Masmamingat! Nangongo na tayo sa mga katarantaduhan ng mga ito, dahil magmumura ang sibuyas at tatamaan ang ating mga kababayan na nagtatanim ng sangkap sa panglutong ito.

 

Dahil nangako pa ang XIP-MICP sa nagpasok ng sangdamakmak na sibuyas na ang buwis na nagkakahalagang P180k ay kaya nilang ibaba sa P120k sa susunod nilang shipment. Dagdagan na lamang  daw ang halaga ng regular na tara sa kanila.

 

Aba hindi lang pala “bagman” ang grupo si Ares kundi kaya pang dayain ang trabaho na ni Collector.

 

Kung ako naman si Collector at hepe ng IG, eh patutunayan kong hindi lumalapag ang magkano mang parte sa napasukang halaga sa importer ng sibuyas na sinasabing binigay ni Ares.

 

Sa ganitong paraan lamang sila makakaiwas sa napipikon ng Commissioner Jagger. Hindi ba mgakatoto natin diyan sa Aduana?