Magtalaga na ng special envoy sa China! Kampanya sa droga patuloy

Tapik ni Tonying

Isang maayos na mungkahi ang magtalaga ng Special Envoy sa bansang China na ito rin ang mungkahi ni Senadora Imee Marcos na kanyang sinusuportahan ang patakaran ni Pangulong Duterte na huwag idaan sa kumprontasyon at sa halip ” itulak ang parehong adhikain ng China at iba pang bansang umaangkin sa Spratlys” para mapakalma ang tensyon sa seguridad sa West Philippine Sea.

Hinimok ni Marcos ang pangulo na agad magtalaga ng special envoy sa China para talakayin ang patuloy na presenysa ng Chinese militia sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

“Mas mainam kung miyembro ng Pamilya Duterte tulad ni Mayor Sara,” ani Marcos, na tinawag na “maka- Asyanong istratehiya” ang paglalapat ng personal na kaugnayan sa bilateral talks at para na rin masiguro ang tuwirang pagtalakay sa pangulo ng mga resulta.

Nirekomenda rin ni Marcos na magkaroon ng “verbal ceasefire” bilang panibagong hakbang” na kagyat na remedyo para mamayani ang mas may kabuluhan o may katwirang bagay kaysa manaig ang galit o panunuya

“Tama lang ang ating mga diplomatikong protesta, pero ang patuloy na pakikipagkumprontasyon ang nakakaabala at hindi isang mala-Asyanong pamamaraan ng pagresolba sa mga bagay na pinag-aawayan o di pinagkakasunduan,” diin ni Marcos, sabay rekomenda ng isang “verbal ceasefire” ng mga opisyal ng gobyerno.

Tinukoy ni Marcos na mga solusyon ang bilateral at multistate negotiations na dapat “iakyat ng gobyerno sa susunod na lebel,” tulad ng mga kasunduan sa pangingisda, mga eksplorasyon, paglaban sa krimen at pangangalaga ng karagatan sa pinagaawayang mga maritime areas, at ang pagkumpleto na sa joint South China Sea Code of Conduct sa ASEAN state at China.

“Pinapakita ng Malaysia at Vietnam ang tamang paraan. Tinatapos na nilang buuin ang memorandum of understanding para sa magkasamang seguridad at paggamit ng maritime area sa mga pinagtatalunang isla,” pagtukoy ni Marcos. Sinabi pa ni Marcos na dapat ngang mapalawak ang polisya ng gobyerno ni Pangulong Duterte sa pagsusulong ng magkasamang interes, katulad ng matagumpay na pagkakalatag ng joint naval anti-terrorism force kasama ang Malaysia at Indonesia, kasunod ng nangyaring Marawi Siege.

“Bukod sa mga kasunduan sa pagitan ng mga miyembrong estado, dapat din isulong ng buong ASEAN ang joint Code of Conduct kasama ang China, hanggang sa ito’y matapos. Halos 20 years na mula nang ito’y isinulong. Tapusin na natin ASAP!,” giit ni Marcos.

“Ang binibigyang-diin ng foreign policy ay isulong ang magkatuwang na mga layunin sa halip na unilateral na mga interes, kung nais nating manatili ang pagkakaisa,” ani Marcos.
*****
Sa isang seremonya sa pagsira ng iligal na droga ang siyang pinagtuunan ng mga miyembro ng anti-illegal drugs agency at ng local na opisyal ng Cordillera at ng lalawigan ng La Union Sa huling tala ay umabot sa P84 milyong halaga ng mga shabu at iba pang mga dangerous drugs na nakumpiska ng pulis at Philippine Drug Enforcement Agency mula sa rehiyon ng Cordillera ar Rehiyon 1, ang sinira sa pamamagitan ng thermal destruction sa Holcim Philippines, Inc compounds, Bacnotan, La Union,noong Abril 22.

Merits on the air ang ating ibinibigay sa tanggapan ni PDEA Cordillera Regional Director Gil Castro na anya may kabuuang 979.8303 gramo ng Methamphetamine o’ shabu; 4.6550 ml of liquid shabu; 639,695.9333 grams of marijuana; 2016.4 ml of marijuana oil; 467.7342 grams of marijuana seeds; 673 pieces of marijuana plants at 24 pirasong stalks, na may over-all total na
P84,047,913.39, ang sinira sa pamamagitan ng thermal destruction procedure.

Ito ang ikalawang thermal destruction ng mga illegal drugs na naisagawa, una ay noong Disyembre 2020 at mahigit sa P60 milyong halaga ng droga ang sinira, mula ng magkaroon ng Memorandum of Agreement ang PDEA at Holcim Philippines – Bacnotan, na gamitin ang kanilang pasilidad at equipment para sirain at hindi na muling magamit ang mga
nakumpiskang shabu.

Ang mga nasabing dangerous drugs ay bahagi ng mga nakumpiska sa mga antiillegal drug operations ng pulis at PDEA units at naging ebidensya sa korte laban sa mga nahuling mga suspek.

Ang agarang destruction ng mga droga mula sa natapos na kaso sa korte sa ilalim ng RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Dangerous Drugs Board Regulation No.1 s. 2002, deretiba ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, na mandato mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang destruction ceremony ay sinaksiman ni Sec. Gregorio Pimentel, PDEA Deputy Director General for Operations, na nagsilbing guest of honor and speaker, na
dinaluhan nina PROCOR Regional Director PBGen. Ronald Lee; Frederick Vallat, of Geocycle Philippines at ilang local offcials.

Ngunit ang tanong bakit ng pumasok si Covid-19 napapansin natin na dumami ang mga nagbebenta ng iligal na droga

? At sa kabila ng maigting na kampanya ay patuloy pa rin ang pagsulputan
ng mga drug suspek. Harinawa ay hindi rin magsawa sa kahuhuli ang mga anti-illegal drug agents at ang kapulisan sa masasabing never ending na kwento ng iligal na droga sa bansa.