Mahigit P30.5B nilabas ng SSS sa salary loans ngayong 2018

Mahigit 1.8 milyong miyembro ng Social Security System (SSS) ang nakinabang sa inilaang P30.5 bilyon na salary loan noong 2018 ayon sa SSS noong Huwebes.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang suweldo sa pag loan ay nadagdagan na ng 5.3 porsyento noong nakaraang taon kumpara sa mga nakalipas na taon.

“We are glad that we are able to help more of our members on their financial needs in the form of salary loans,” sabi ni Ignacio. (Kami ay masaya na mas marami sa aming miyembro ang matutulungan namin sa kanilang pinansyal na pangangailangan sa pamamagitan ng salary loan).

Sa kabuuang pautang na nai-release noong 2018, mahigit 166,000 o 9.22 porsiyento sa 1.8 milyong pautang ay nai-release sa pamamagitan ng paggamit ng Quick Card ng Union Bank of the Philippines (UBP).

Ito ay halos triple kumpara sa 55,835 na naitala noong taong 2017. “Over the years, we have seen that more members opt to receive their salary loan proceeds through electronic means since they do not have to wait for their checks to be delivered to their houses or offices and go personally to the bank to encash the check.

We have decided to further expand the program of salary loans through UBP Quick Cards by allowing more kiosks in additional branches nationwide,” ani Ignacio.

(Sa paglipas ng mga taon, nakita natin na mas maraming miyembro ang tumanggap ng kanilang salary loan sa pamamagitan ng electronic na paraan dahil hindi na nila kailangang maghintay upang maihatid ang kanilang mga tseke sa kanilang mga bahay o opisina o pumunta mismo sa bangko para i-encash ang kanilang cheke.

Nagpasiya kami na palalawakin ang programa ng salary loan gamit ang UBP Quick Card sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng mga kiosks sa karagdagang branch nationwide).

Sa ngayon, sa bawat sampung sangay ng SSS ay may apat na mayroon nang UBP Quick Card kiosk. Ito ay ang mga sangay sa Cubao, San Francisco Del Monte, Marikina at Makati.

Kabilang ang Baguio sa mga sangay ng SSS na nagaalok ng mga programa mula noong 2015 pa, tulad ng mga sangay sa Diliman, Makati-Gil Puyat, Pasig Shaw, Makati-Ayala, Kalookan, Mandaluyong, Manila, Alabang, Bacoor, Biñan, Dagupan, Cebu, Iloilo, Davao at Cagayan de Oro.

Ang Thru-The-Bank Program salary loan releases ay nagpapahintulot sa UBP upang magbigay ng isang mabisa at maginhawang paraan para sa release ng salary loan ng mga SSS member-borrower.

Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng direktang crediting sa UBP Quick Card ng SSS member borrower na kung saan ay ang isang ATM card ay naka-link sa UBP savings account, o kung maari ay sa pamamagitan na ng UBP Checking o Savings Account.

Ang mga miyembro na gustong magpasa ng loan application ay kinakailangan lamang na personal na pumunta sa mga sangay ng SSS kung saan mayroong UBP on-site kiosk.

Matatanggap ng mga member-borrower ang kanilang loan sa kanilang mga account mula tatlo hanggang limang araw na proseso pagka-approve ng kanilang loan application.

Maaari nang i-withdraw sa pamamagitan ng automated machine (ATM) na MegaLink, BancNet, at Expressnet ang kanilang loan.

“With the continuous increase of members availing of the SSS benefits and loan programs, we are committed to develop efficient and convenient options to better serve our members.

But we would like to remind our members that these are loans that should be paid religiously and on time to avoid penalties and possible deductions in their final claim like retirement,” dagdag ni Ignacio. (Sa tuloytuloy na pagdami ng miyembro na nag-aavail ng mga benepisyo at mga loan program ng SSS, nakatuon ang ating commitment na magkaroon ng mabisa at maginhawang option upang higit pang mapaglingkuran ang ating mga miyembro.

Ngunit gusto naming ipaalala sa ating mga miyembro na ang mga ito ay mga pautang na dapat bayaran sa tamang oras upang maiwasan ang mga kaparusahan at posibleng pagbawas sa kanilang final claim, katulad ng retirement claim).

Kim Nicole Gan UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon