Mahihirap sa bayan ng Pangasinan nabiyayaan ng Duterte legacy caravan

BUGALLON, Pangasinan – Mahigit 100 mahihirap na residente ng Barangay Hacienda dito ang nakatanggap ng ayuda at mga serbisyo sa ginawang Duterte Legacy Barangayanihan Caravan noong Oktubre 14.
Sa isang panayam ay sinabi ni Pangasinan Police Provincial Office information officer Maj. Arturo Melchor Jr. na ang iba’t-ibang ahensiya ng
gobyerno at local government unit ay nagsama upang magbigay ng mga pangunahing serbisyo sa barangay.
“We wanted to send a message that despite the pandemic, the government is here for the people,” aniya. Nag-isyu ang lokal na police ng police clearance at namahagi ng food packs sa mga benepisaryo.
Isang sitio sa barangay na may mahigit 100 mahihirap na tao ang nabiyayaan ng Ilocos Police Regional Office’s Patubig sa Barangay project na nagbigay ng isang deep well sa lugar habang isang grupo ng mga magsasaka ang nakatanggap ng isang water pump, ani Melchor.
Idinagdag niya na ang ibang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nagbigay din ng libreng scholarship grants, libreng gupit, at iba pa.
Namahagi rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng bigas habang ang Department of Agriculture ay namahagi ng mga buto at punla sa mga benepisaryo.
Nagsagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng isang Step 2 registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa barangay. Nagbigay ang munisipalidad ng Bugallon at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng food packs.
Ang ibang ahensiya na kasama ay ang Department of Health, the Department of Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, ang Philippine Information Agency at ang Presidential Communications Operations Office.
Nagpasalamat si Raquel Calicdan, isa sa mga benepisaryo sa mga ahensiya ng gobyerno sa mga tulong na bagay at serbisyo na natanggap nila. Sinabi ni Calicdan na malaking tulong ito dahil ang kaniyang asawa ay halos apat na taon nang iginupo ng stroke.
“Nagtitinda lang ako ng puto upang kumita. Miyembro rin ako ng Pantawid Pamilya Pilipino Program. Itatanim ko ang mga buto at punla upang may makakain kami kapag lumaki na sila,” aniya. Samantala ay nagpasalamat si Mayor Priscilla Espino para sa programang ito gayundin ang maraming proyektong impraspraktura ng administrasyong Duterte sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.
“Some of our villages here got easily flooded come heavy rains and typhoons. But because of the infrastructure projects under ‘Build, Build, Build’ such flood mitigation projects especially at the Agno River system, we have not been experiencing flooding in some areas for almost two years now,” pahayag ni Mayor Espino.
Ang Duterte Legacy Barangayanihan Caravan ay sabay-sabay na isinagawa sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Bugallon noong Huwebes.
(HA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon