Maingay na lasing, tinaga ng kapitbahay sa Kalinga

Tinaga ng kapitbahay ang maingay na lasing bandang 3:30pm ng Marso 24, 2018 sa Purok 6, Brgy. Camalog, Pinukpuk, Kalinga.
Kinilala ang lasing na biktima na si Noel Blanza Gonsaga, 25, may-asawa, laborer, samantalang ang suspek na kapitbahay ay kinilalang si Ronie Gallasic alias Lunes/Pinong kapwa residente ng nasabing barangay.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakainom ang biktima na nag-iingay at hinahamon ang suspek kung kaya’t nayamot ang suspek at pinagtataga nito ang biktima nang maraming beses.
Nagkaroon ng multiple injuries ang katawan ng biktima at dinala ng kaniyang mga kamag-anak sa Kalinga Provincial Hospital para magamot. Tumakas naman ang suspek sa di pa malamang direksiyon. Ang mga tauhan ng Pinukpuk MPS ay nagsagawa ng hot pursuit operation para sa posibleng pagkaaresto sa suspek.

Amianan Balita Ngayon