Malalaking proyekto ng NIA, nakahanay sa Rehiyon1

Aug 27, 2017

URDANETA CITY – Itinakdang sisimulan sa 2018 ang malalaking proyekto ng irigasyon sa Rehiyon I na inaasahang maghahatid pa ng karagdagang serbisyo sa mga benepisyaryo ng lugar.
Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Regional Director John Celeste, habang ang mga proyekto ng 2017 ay kasalukuyang ginagawa, ang budget deliberation sa Committee on Appropriations para sa 2018 project ay tapos na at itutuloy na lamang sa Plenaryo.
“We have several special projects in 2018 for the improvement of our irrigation projects na mapapakinabangan ng ating farmers at kababayan hindi lang dito sa atin sa Region I kundi pati nearby regions,” ani Celeste.
Sa Pangasinan, magsisimula sa susunod na taon ang konstruksiyon ng ikatlo at huling phase ng Agno River Integrated Irrigation Project o Lower Agno River Irrigation System Improvement Project (LARISIP).
Sinabi pa ni Celeste na ang LARISIP ay may service area ng 12,600 ektaryang sakop ang anim na munisipalidad: tatlo sa Pangasinan, dalawa sa Tarlac at isa sa Nueva Ecija.
Magsisimula rin sa susunod na taon ang isang pipeline project sa Ilocos Norte na may estimated cost na P26.7 billion. Ang pagmumulan ng tubig ay ang Palsiguan River ng Abra.
“Ang mapapatubigan nito ay Ilocos Norte at Ilocos Sur. Ang pakinabang naman ng Abra ay power generation dahil mataas itong reservoir dam,” paliwanag niya.
Makikinabang din sa irrigation projects ang bayan ng Gregorio Del Pilar sa Ilocos Sur. Sa kasalukuyan, ang mga proyektong ito ay kinakailangan pang pumasa sa pamamagitan ng iba’t ibang konsultasyon sa mga maaapektuhang residente at munisipalidad ngunit, ani Celeste, ang plano ay feasible technically at financially.
Para sa maliit na dam projects na may taas na 20 hanggang 40 metro, dalawang bagong Small River Impounding Projects (SRIP) ang mapapakinabangan ng second districts ng Pangasinan sa bayan ng Bugallon para sa Dumoloc SRIP at Barangay Bayaoas sa bayan naman ng Aguilar para sa Aguilar SRIP.
Sinabi pa ni Celeste na ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga kanal na nasira ng mga bagyo at baha ang dahilan kaya abala ang mga trabahador ng NIA upang masiguro na ang mga pasilidad ng irigasyon sa rehiyon ay magagamit sa tamang layunin. VHS, PIA-Pangasinan / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest