Kamakailan ay iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 3.1 porsiyento noong Disyembre 2023 ang dami ng walang trabaho (unemployment rate) sa bansa kung saan ang resulta ay katumbas ng 1.60 milyong Pilipino ang walang trabaho na pinakamababa mula noong 2005. Samantala nasa 50.42 milyong mga Pilipino naman ang may mga trabaho kumpara sa 49.64 milyon noong Nobyembre at 49 milyon noong 2022. Ang underemployment na ibig sabihin ay ang mga naghahanap pa ng mas maraming trabaho o karagdagang trabaho ay medyo lumala sa 11.9 porsiyento mula sa 11.7 porsiyento noong Nobyembre ngunit bumuti mula sa 12.6 porsiyento Disyembre ng 2022. Ang bilang ng underemployed ay katumbas ng 6.01 milyon.
Patuloy na malaking ambag sa maraming trabaho ang services sector na may 57.3 porsiyentong bahagi habang ang agrikultura ay may 24.4 porsiyentong ambag at 18.3 porsiyento naman mula sa industriya. Ang mgas suwelduhang manggagawa ang bumuo sa pinakamalaking bahagi ng mga may trabahong tao na 62.7 porsiyento ng kabuuang workfoce. Sumunod ang mga self-employed na walang mga upahang empleyado na nasa 27.4 porsiyento habang ang unpaid family workers ay binubuo ng 7.8 porsiyento. Ang mga employer sa kanilang sariling bukid o Negosyo ay may pinakamaliit na ambag na 2.1 porsiyento. Ang labor force participating rate ng bansa – isang pagtataya sa active workforce ay nasa 66.6 porsiyento na mas mataas kaysa 65.9 porsiyento ng Nobyembre 2023 at 66.4 porsiyento ng Disyembre 2022.
Simula noong Abril 2005, ang bagong depenisyong ng unemployment ay pinagtibay sa pamamagitan ng NSCB Resolution No. 15 na may petsang Oktubre 20, 2004 kung saan gaya ng ipinapahiwatig sa resolution, sa unemployed ay kabilang ang lahat ng tao na edad 15 pataas sa panahon ng kanilang huling araw ng kapanganajkan at iniulat
bilang : 1) walang trabaho at kasalukuyang nakahandang magtrabaho at naghahanap ng trabaho; o 2) walang trabaho at kasalukuyang nakahandang magtrabaho subalit hindi naghahanap ng trabahao dahil sa sumusunod na mga kadahilanan: 1) pagod/naniniwalang walang nakahandang trabaho; 2) naghihintay ng mga resulta sa nakaraang aplikasyon sa trabaho; 3) pansamantalang may sakit/kapansanan; 4)masamang panahon; 5)naghihintay na ma-rehire/job recall.
Ang mga depinisyon ng PSA sa employment at unemployment ay sumusunod na mabuti sa pinakahuling international recomendations na itinakda sa resolusyon patungkol sa mga estadistika sa unemployment na pinagtibay ng Thirteenth International Conference of Labor Statisticians (1982) (IMF SDDS entries). Halimbawa, binibigyangkahulugan ng ILO ang working-age population bilang may edad 15 taong gulang at pataas kaya ito rin ang iniuulat ng PSA, at ang mahalagang LFS identity ay nananatili. Iniuugnay ang pinakamababang antas ng kawalan ng trabaho mula noong 2005 sa mga polisiya at pangako ng administrasyong Marcos na magbibigay ng mga oportunidad para sa disenteng kabuhayan para sa lahat at sa pagtutok ni pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga sektor ng agrikultura, aquaculture at pangingisda na siyang pangunahin sa pagtugon sa mga presyo ng pagkain at kahirapan sa lalawigan.
Magandang pagmasdan ang mga datos at tala, subalit ito ba ang tunay na larawan ng tunay na sitwasyon sa paggawa? Kung ang ulat ng PSA ay nangangahulugan ng mas maraming Pilipino ang may trabaho ay maliit na bahagi na lamang ang walang trabaho ay tiyak na bubuti na ang kalagayan ng ekonomiya at pamumuhay ng
nakararaming Pilipino. Sa kabilang banda, pinapaniwalaan na ang mga datos ay nagbabago sa mga panahon, ibig sabihin hindi permanente, kaya habang nangyayari ito ay kailangang makalikha pa ang gobyerno na mas maraming trabaho na pangmatagalan para sa tuloy-tuloy na kabuhayan ng mga mamamayan. Tutukan na lamang ng mga namumuno ang pagpapabuti sa ekonomiya ng Pilipinas at kabuhayan ng mga mamamayan, at hindi ang pakikipagbangayan ng mga opisyal sa ilang mga personalidad na naninira at gumagawa ng ingay na tuwirang nakakahadlang sa bumubuting imahe ng bansa sa pandaigdigang mata. Hindi nga naman tayo makakaakit ng mga mamumuhunan sa bansa kung patuloy ang gulo sa pulitika.
February 10, 2024
January 12, 2025
January 4, 2025
December 28, 2024
December 22, 2024
December 14, 2024