Malilikom ng Flower Tee Golf, mapupunta sa dialysis patients

LUNGSOD NG BAGUIO – Mabebenipisyuhan ang Baguio General Hospital Dialysis Patients and Partners Association mula sa malilikom na pera sa Flower Tee Golf Tournament.
“Napakaraming sports activities inline sa Panagbenga, pero itong golf tee tournament is very especial dahil meron tayong beneficiaries, it’s for BGH patients to have free dialysis,” pahayag ni ABC president at city councilor Michael Lawana.
Nakibahagi sa golf tournament ang 80 kalahok mula sa PMA, Manila at ng mga local golfers sa lungsod noong Pebrero 17.
Dumalo rin si Ramon Dacawi, presidente ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC), upang tanggapin ang pera mula sa ibinayad ng mga nakilahok sa golf tournament.
Samantala, ang mga mananalo ay tatanggap ng trophies at mga premyo sa raffle draw na gaganapin naman sa infinity garden.
Ang paligsahan ay inorganisa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI) sa pakikipagtulungan ng Baguio Country Club (BCC) at City of Baguio. Ma. Carmina Lipio, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon