LA TRINIDAD, Benguet
Nahulihan ng P81,600 halaga ng shabu ang isang 43 taong gulang na mangingisda, matapos ang isinagawang search warrant operation ng Abra Police Provincial Office sa kanyang tirahan sa Barangay Calaba, Bangued, Abra noong Mayo 19. Batay sa mga ulat na isinumite kay Brig.Gen.David Peredo,Jr.,regional director, naaresto ang suspek sa search warrant operation ng pinagsanib na operatiba ng Abra PPO Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit, at Bangued Municipal Police Station (MPS), Lacub MPS, 1st Abra Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Division-Cordillera, Regional Intelligence Unit 14, at PDEA Abra.
Sa pagpapatupad ng search warrant, nadiskubre ng mga operatiba ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, humigit-kumulang 12 gramo ang bigat na may Standard Drug Price na P81,600.00 sa kanyang tirahan. Nagsagawa ng on-site inventory ng mga narekober na ebidensiya sa presensya ng naarestong suspek, na sinaksihan ng kinatawan ng media na si Jerum Bachiller at Barangay Kagawad Christian Lazo ng Barangay Zone 5, Bangued, Abra.
Zaldy Comanda/ABN
May 25, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024