Maramihang pagbabakuna inilunsad ngayong buwan

LUNGSOD NG BAGUIO – Hinihikayat ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa itinalagang fixed health posts sa mga barangay para sa libreng supplemental Measles Rubella Oral Polio Vaccine (MR OPV) matapos ang seremonya sa paglulunsad sa Oktubre 26.
Ito ang inanunsiyo ni City Health Services Office (HSO) head Dr. Rowena Galpo, sa Ugnayan media forum noong nakaraang linggo sa city hall.
Ang isang-buwan na mga aktibidad ay mag-uumpisa sa siang dalawang-linggong intensive vaccination, mopping up operations sa ikatlong linggo, at sa huling linggo ay para sa rapid assessment, ayon kay Galpo.
Nasa 29,987 mga bata na siyam hanggang 59 na buwang gulang ang target para sa MR vaccine, habang 35,327 bagong silang hanggang 59 buwan ang nabilang na nangangailangan na makakuha ng OPV.
Ang aktibidad ay kasabay ng pagsisikap ng mga health worker na labanan ang COVID-19, dagdag ni Galpo.
Sa aktibidad ng pagbabakuna, kailangang sumunod ang mga kliyente at health workers sa minimum health protocols; magsuot ng angkop na Personal Protective Equipment (PPE), face shield at face mask. Kailangang gawin din ang social distancing, dagdag pa ni Galpo.
Lahat ng field medical officers at nurses, midwives at sanitation inspectors; population program at nutrition workers, at human resources sa health at Barangay Health workers ay mga miyembro ng implementing committee.
Ang pagkakaroon ng logistics, organisasyon ng vaccination team, documentation at information dissemination ukol vaccination schedules at mga lugar ay responsibilidad nila.Karagdagan dito ay magrerecord sila na kabuuang bilang ng nabakunahan na mga bata at iulat ang mga kaso na nangangailangang madala sa ospital, pamahalaan at i-refer ang masabing mga kaso sa angkop na health facility.
Ang nabakunahang mga bata ay may benepisyong protektado sa mga nakakahawang sakit kaya nakakapagligats ng buhay, direct at indirect costs ay nababawasan at naiiwasan ang mga sakit na maikalat sa mga tao, pamilya at kapitbahay, na nagreresulta sa malusog na mga komunidad.
Ang hindi nabakunahan ay maaaring magkaroon ng mga sakit na nagreresulta sa pangmatagalang disabilities at pati kamatayan; sa mas mahabang gamutan ay nabibigatan sa gastusin at hindi produktibo sa edukasyon at ekonomiya.
Isang mas mababang kalidad ng buhay para sa mga indibiduwal ay maaaring maging resulta ng hindi nabakunahan, na may potensiyal sa paglaganap na inilalagay sa panganib ang kalusugan hindi lamang ng pamilya kundi ang buong komunidad, ito ang nalaman.
Para sa mga batang ang edad ay mas mababa sa limang taon, ginagarantiyahan ng bakuna ang proteksiyon laban sa Tuberculosis, Hepatitis B, Polio, Diptheria, Pertussis, Type B Influenza, Pneumonia, Measles, Mumps Rubella at tetanus, ayon sa isang material ng Department of Health (DOH-CAR).
Ang school-based immunization para sa mga magaaral ay ginagarantiyahan ang proteksiyon laban sa Measles, Mumps, Rubella at Human Papillomavirus (HPC); ang mga buntis na babae ay kailangangmabakunahan laban sa Tetanus at Diptheria, habang ang mga senior citizen ay kailangang mabakunahan kontra Influenza at Pneumonia.
Sakaling ang mga reaksiyon matapos as pagbabakuna, gaya ng lagnat, mga pantal, pananakit ng namamaga sa lugar ng naturukan ay mangyari, maaaring uminom ng paracetamol. Ngunit kung hindi karaniwan ang reaksiyon sa loob ng mahigit dalawang araw, kailangang bisitahin o tawagan ang pinakamalapit na health facility.
Gayunman ang mild side effects ay mawawala sa loob ng isang araw o dalawa. Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 442-8096 hanggang 98 o sa Healt CAR hotline 09471959845. Facebook page:Nip Doh Car ay maaari ding ma-access.
JF-PIO, may ulat mula HSO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon