Ang pinagdadaanang sigalot sa Benguet Electric Cooperative ay nagpapakita lamang na hindi ito gaya ng paniwalang maayos ito. And pinakahuling ganap na tinaguriang “pagbawi” muli ng kooperatiba mula sa NEA ay iisa ang pahiwatig—- na may kailangang pagtutuwid dito.
Sapagkat maayos bang ituring na kamag-anak, “kaibigan”, kababayan at ngayo’y kakampi sa eleksyon, ang prinsipyong nagpapatakbo rito at hindi mas maayos na serbisyo?
Maayos bang maituring kung samu’tsaring kababalaghan ang nagaganap sa kooperatiba lalo na sa milyon-milyong pondo at pagaari nito ngunit ikinukubli mula sa mga miyembro-konsumer at publiko?
Ang nagdaang mga araw at tiyak sa mga susunod pa’y unti-unting maisisiwalat lalo na sa mga bukas ang pag-iisip at hindi napipiringan ng salapi, kapangyarihan at sariling interes, ang kabuktutan sa kooperatibang pinamumugaran ng tiwali ngunit matagal nang nagpapanggap na matuwid.
Bukod na lang kung nais ng nakararaming kasapikonsumer ng kooperatiba na panatilihing pamumunuan at patatakbuhin ang kooperatiba
ng mga nais isabotahe ang mga linya ng kuryente upang ipahiya lamang at ilagay sa panganib ang mamamayang konsumer?
Bukod na lang kung magsasawalang- kibo ang mga kasapi-konsumer kung ang mga pinapanatili nilang namumuno at namamahala sa kooperatiba’y walang paggalang sa batas o alitutunin.
Bukod na lang kung ang nais ng Beneco ay mananatiling “korporasyon” ito ng mga magka-kamag-anak, magkakaibigan, magka- ka-ibigan at magka-babayan? Maayos nga ba? O naayos na?
October 24, 2021
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024