Maraming Tanong!… Paano ang Sagot!

Sala-salabat na mga tanong…at sala-salabat din ang mga sagot. Pero teka lang…nauunawan ba ng bayan ang mga tanong at sagot na yan? Tsk tsk…malamang kaysa hindi, iilan lang ang nakakatalos ng tama.

Ibig sabyan, este sabihin…parang mas nakakarami ang di talos ang katuturan ng tanong at lalo nang hilo sa sagot. Sige, subukan nga nating bulatlatin ire, pards:

******
Tanong: kailan kaya matatapos ang Covid-19? Santisimang higante at punggok! Yan ang tanong na gusto rin nating itanong sa ating mga taga-subaybay.

Kamakailan, sinabi ni Pangulong Duterte na parang wala na itong katapusan – up to kingdom come.

Sus ginoong pinsan ng Maryusep! Ibig bang sabihin ng pangulo na parang wala ng katapusan ineng Covid-19? Pananaw niya yan, pero sa aming tantya, maaring ganyan nga. Kasi kahit na humupa kamo si coronavirus…nakakatiyak ba tayo na wala na sa ating tabi ito?

Sabi nga ng mga eksperto, hindi na maalis sa ating daigdig ang sakit na ito gaya rin ng mga sinaunang mga sakit na nanalasa sa mundo sa nakalipas na mga taon.

Nariyan lang ang mga ito. At pinakahuli ang Covid-19, ang talamak na parang tumitindi at sumasabay parin ang mga dati na nagiging salot sa sangkatauhan. Ang pinakakonkretong ehemplo ay ang sakit na TB.

Nang unang nanalasa ito, sangkatutak ang nagulat at tumutok at nag-ingat. Pero hanggang ngayon andito pa rin ang TB kahit may mga gamot na, di ba? So, tama ang W.H.O nang sabihing magiging pangkaraniwan na lamang na sakit ito. O, nasagot na ba ang tanong ninyo mga pards?
*****
Tanong: napaghandaan ba ito ng ating bansa? Susme! Papano ka maghahanda na hindi mo naman alam kung ano ang dapat mong paghandaan? Bigla na lamang sumulpot ang tinamaan ng sakit na ire, di ba?

Syempre, hinalukay kung ano ito at saan galing? Nagturuan na kahit tukoy na nga kung ano ang virus na ito. Natural, kung ano ang mga nararapat na pananggalang, ginawa naman ng ating bansa.

Ang masakit habang gumagawa tayo ng mga paraan upang bakahin ang salot, dumarami ang mga nagpopositibo, namamatay at ang maganda, marami ang gumagaling. In short…kaya nating labanan.

Tama ang ginagawa natin ngayon sa ating bansa panlaban sa virus. Una, kalinisan. Ikalawa ang distansiya at pangatlo ang takip bunganga.

Pero ang masakit, hindi gaanong naipapatupad. May mga lugal na dikit na nga ang mga tao, wala pang face mask. Animo sila mga anak at pamangkin ng mga superheroes na di tatablan ng sakit.

Ang kulang dito ay ngipen ng batas at kamay na bakal. Di pa huli ang lahat upang panagutin ang dapat managot.
******
Tanong: ayos ba ang sayad ng ayuda ? He he…ayos na ayos daw para sa mga nakatanggap pero hinding hindi sa mga walang limos na kahit isang butil ng bigas.

Tsk tsk. Yan ang pinaka-matinding kongtrobersiya sa tuwing may kalamidad – ang ayuda sa mga biktima. Sabi ng marami: bakit ang mga taong hindi dapat tumanggap ang siyang naging prioridad diumano ng mga masisibang buwitre.

May komisyon daw ang ilang opisyal sa bawat ayuda kaya pinipili ang inililista. Totoo ba? Sakaling mapapatunayan…triplihin dapat ang parusa. Sila ang pakainin ng Covid para magtanda. Sa ganitong panahon, walang palakasan.

Walang padreno system. Sabi nga nila: pareho tayong galing sa alabok at sa alabok din tayo babalik. Mga naghihirap daw ang pagpapalain. Ang masakit, pinagpipiko pa nga at pinaghuhukay ng sarili nilang libingan, di ba? Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

 

Daplis Walang Mintis

Amianan Balita Ngayon