March 16, idineklarang special holiday sa LT

Mar 3, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Idineklara ng Malacañang na special (non working) day ang March 16, 2018 (Biyernes) sa munisipalidad ng La Trinidad, Benguet para sa pagdiriwang ng 37th Strawberry Festival at tampok na Strawberry Festival Parade.
Sa inilabas na proklamasyon ng Malacañang na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa awtoridad ng Pangulo, noong Pebrero 20 ay idineklara ang naturang araw na special non working day upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng La Trinidad na ipagdiwang ang kanilang kapistahan.
Kasama sa suspension ang mga eskwelahan mula elementaria hanggang kolehiyo.
Ayon kay Mayor Romeo Salda hiniling ng munisipalidad ng La Trinidad ang pagkakaroon ng buong pagkakataon ang bayan para ipagdiwang ang taunang Strawberry Festival.
“Gusto namin na lahat ng taga-La Trinidad ay magkaroon ng pagkakataon na i-celebrate itong ating Strawberry Festival at para mas masaya ang ating celebration and mostly ng mga participants din, eh galing sa mga schools din dito sa La Trinidad. Kaya okay din na mag-cancel ng classes on that day para ma-maximize yung ating participation.”
Dagdag pa niya na naihanda na ang lahat para sa festival at hinikayat din niya ang mga turistang makilahok sa pagdiriwang ng Strawberry Festival.
Ayon naman sa isang opisyal ng La Trinidad Municipal Hall nasa mga eskwelahan na kung magsususpinde sila ng klase sa March 17 (Sabado) bilang bahagi pa rin ng isang buwan na Strawberry Festival. ALLAN LEMUEL C. SUNGA, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest