Marinong napatay sa Sulu, inilibing bilang bayani sa Ifugao

ALFONSO LISTA, IFUGAO – Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Private First Class Jeremy Mark B. Dulnuan noong umaga ng Nobyembre 6, 2018 sa bayang ito.
Si Dulnuan ay isang fleet marine at estudyante ng 64th Marine Company FRC CL 23/24 na namatay sa isang engkuwentro sa grupo ng Abu Sayyaf sa Brgy. Timpook, Patikul, Sulu habang nagsasagaw sila ng focused military operations sa lugar noong Oktubre 26,2018.
Ang seremonya ay sinimulan at pinangunahan ni Rev. Lucio P. Carlos ng Bible Believing Baptist Church at hinandugan ng military honor si Dulnuan para sa pagbubuwis nito ng sariling buhay para sa bayan. Nakibahagi rin ang mga pulis ng Alfonso Lista sa ilalim ng pamamahala ni PSI Edwin Pallisit Fucasan.
Si Dulnua,n ay inilibing sa tabi  ng kanilang tahanan sa Barangay Santa. Maria, Alfonso Lista, Ifugao. PO1 Jeanalyn P. Aquimba/SPO2 Jordan Q Ngatiyon / ABN

Amianan Balita Ngayon