MARKET ENCOUNTER, PATOK NGAYON PANAGBENGA FESTIVAL

BAGUIO CITY

Kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga tao sa Market Encounter sa Burnham Park, na isa traditional activities ng city government at Baguio Flower Festival Foundation tuwing Panagbenga Festival para sa kasiyahan ng pamimili ng mga produkto ng mga turista at residente. Ang Panagbenga Market Encounter ay nagsimula noong Pebrero 2 at matataps sa Marso 5.

Ito ay isa sa aktibidad na mabigyan ng halaga ang mga produkto ng mga Cordilleran at masubukan ang iba’t ibang klase ng pagkain na hatid ng mga lokal na nagtitinda sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ayon kay Elhey Mayapit, residente ng La Trinidad, “Okay lang naman maraming food,
kaso ang mahal ng tinda pero parang kinoconsider din namin yung rent nila baka mahal din.”

Ayon naman kay Jhoana Ang, turista galing sa Taytay, Rizal, “Okay naman maraming pagpipilian na pagkain tapos masasarap pa, budget friendly din siya.” Paliwanag naman ni Gerry Marquez, residente ng Baguio, “Actually yung price tumaas kasi tumaas din ang lahat ng bilihin kaya wala tayong magagawa, ngunit pasok din naman sa budget.”

Ayon naman kay Roche Cuadra, may-ari ng Fried Ice Cream Stall, “First time namin magbenta dito galing kami sa Davao and pumunta lang kami dito to experience ang tradition ng Baguio.

Kate Madisson Lamigo/UB Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon