Martial Law, Marcos/Duterte?

Sep 25, 2017

Kamakailan lang ay muling ginunita ang ika-45 anibersaryo ng Martial Law (1081) ni late Pres. Ferdinand Marcos. At gaya ng taunang kaganapan, muling nabuhay ang mga lansangan at mga parke sa pamamagitan ng mga protesta o rallies. Buong bansa ang naghayag ng saloobin hinggil sa mga naganap sa kung ilang taong namayagpag ang batas-militar ni Makoy. At gaya ng taunang eksena, lalong umiinit ang mga upak ng mga naging biktima at saksi sa panahong yun. Sa halip na humupa ang hinanakit, lalo pa yatang sumidhi. Bakit? Dahil hindi basta mabubura ang pilat na yun lalo pa’t ang mithing hustisya ay hindi pa kamit. Uriratin.

******
Sa mga hindi nasaksihan ang pangyayari sa panahon ng Martial Rule, marahil ay hindi gaanong mabigat ang sipa’t katuturan nito sa kasalukuyang panahon. Ngunit para sa mga nakaranas, parang kulog at kidlat ang dagundong nito lalo sa mga biktima ng pagmamalabis at pagyurak sa karapatang pantao. Yan ang dahilan kung bakit laging may sumisigaw at nanggagalaiting makamit ang inaasam na hustisya kahit na sa lisyang paraan. Isang di mabuburang batik ang katotohanang sa nakalipas na apatnapu’t limang taon, umiiyak pa rin sa kadiliman ang kaluluwa ng mga pinaslang, nangawala, pinagsamantalahan at nadungisan ang karapatan sa lipunang ito. Yan ang tunay na dahilan kung bakit sa tuwing sumasapit ang Setyembre 21, nabubuhay ang walang kamatayang hinagpis at hinanakit laban  sa pang-aapi at pagyurak sa kanilang karapatan.

******
Sa panahong deklarado ang 1081 (ni Marcos) ipiniit ang mga kontra; nagsara ang mga himpilan ng radio,  telebisyon at pahayagan. Sabi ng ilan, marami din ang naitulong ng batas-militar sa isyu ng katahimikan, seguridad, disiplina at tatag. Ngunit hindi rin maitatatwa ang pagmamalabis lalo na sa panig ng mga otoridad. Totoong hindi natutulog ang karma. Ngunit ayon sa mga biktima, hindi pa rin sapat upang makamit ang mithing hustisya. Ang masaklap, daplis ng ilan: ang mga Marcos (daw) ay nakabalik muli sa poder gamit ang pulitika. Kahit pa sabihing umuusad (daw) ang mga kasong kontra sa naturang pamilya, naroon (daw) ang takot na magsawala na lang na parang bula ang mga ito sa hinaharap. May upak nga: sa tinagal-tagal ng panahon, bakit (daw) hanggang ngayon ay wala pang napaparusahan? Idagdag pa ang bagong kontrobersiya kamakailan na gusto raw (ayon kay Digong) ng mga Marcos na umalalay sa estado-pinansiyal ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasauli ng ilang bahagi ng yaman nila. Sa kasalukuyan, medyo tumahimik ang naturang isyu. Natabunan ng mga isyu din sa Martial Law sa Mindanao at mga pangyayari sa Marawi na dinagdagan pa ng tensiyon sa pagitan nina Digong at Trillanes at mga impeachment sa kongreso.

******
Tanong: may pagkakaiba ba ang Martial Law nina Marcos at Duterte? May mga pasaring na: mas grabe raw ang deklarasyon ng batas militar ni Pres. Duterte dahil grabe ang patayan. Sa maikling panahon lang, mahigit sa 668 ang patay sa kalaban ng gobyerno sa Marawi; 150 ang casualties sa panig ng gobyerno at 47 ang sibilyan. Tudo-kabig daw si Digong sa mga otoridad (kahit) pa sa mga kinalawang ang utak. Sabagay, kamakailan lang nag-iba naman ang tuno ni Digong at may banat na siya sa mga bugok na otoridad. At pangkalahatan, ayon sa nakararami: parehas lang ang estilo ng Martial Law nina Marcos at Duterte. Idalangin na lang natin na huwag magdeklara ng Martial Law sa buong Pilipinas, kung hindi magkakaroon ng Part 2 ang 1081 ni Makoy. Lalong darami ang magiging biktima. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest