Masasanay din tayo sa Tactile Pavement

Ang tactile paving ay dinisenyo bilang tugon sa mga pangangailangan at tulungan ang mga bulag at may depekto sa paningin na mga pedestriyan na maging malaya at nagsasarili, nakakakilos, may tiwala at ligtas kung nasa labas na kapaligiran. Binuo ni Seiichi Miyake isang Hapon na imbentor ang tactile paving noong 1960s na kinuha ang inspirasyon kay Braille.
Nagkaroon siya ng ideya sa paglikha nito noong 1965 na paraan upang matulungan niya ang isang kaibigan na may depekto sa paningin upang makapaglayag sa mga pampublikong espasyo, istasyon ng mga tren, at mga hagdanan. Unang inilagay ang tactile pavement sa Okayama City noong Marso 18, 1967 at naging sapilitan ito para sa lahat ng istasyon ng tren makalipas ang halos isang taon.
Taong 1990s ay nag-umpisa itong pumutok sa kanlurang mga bansa. Sa Estados Unidos ay nag-umpisang maging pangkaraniwan ang tactile pavement matapos ang pagpasa ng Americans With Disabilities Act of 1990, isang piraso ng lehislasyon na dinisenyo upang isulong ang accessibility sa mga pampublikong lugar.
Halos sa parehong panahon ang mga bansa gaya ng Canada, United Kingdom at Australia ay nag-umpisang idagdag ang tactile pavement sa kanilang mga daan, maging ang China ay sumunod na rin kalaunan. At ngayon ay nakikita na halos ito sa loob at labas sa buong mundo.
Dito sa Pilipinas ay obligasyon ng gobyerno na garantiyahan ang kapakanan at kapanatagan ng mga PWD sa bisa ng Batas Pambansa 344 o ang An Act to Enhance the Mobility of Disabled Persons Requiring Certain Buildings, Institutions, Establishments and Public Utilities to Install Facilities and other Devices. Bilang isang PWD-friendly city ang Baguio ay masidhing sinusunod ito.
Ang tactile paving ay tinatawag din na Tenji blocks, truncated domes, detectable warnings, tactile tiles, tactile ground surface indicators, tactile walking surface indicators, o detectable warning surfaces, isang sistema ng textured ground surface indicators na makikita sa mga daanan, sidewalk at plataporma sa istasyon ng tren, na tutulong sa mga pedestriyan na may depekto sa paningin at mga bulag.
Ang mga babala sa tactile ay nagbibigay ng isang kakaibang pang-ibabaw na disenyo ng mga putol na simburyo (truncated domes), balisungsong o bara, na nakakapa ng tungkod o ilalim ng paa na ginagamit upang maalerto ang mga may depekto sa paningin o bulag sa malapit na mga kalsada at mapanganib na ibabaw o pag-iba ng grado.
May pagtatalo sa pagitan ng disenyo at gumagamit na komunidad kung ang paglalagay nito ay magiging sanhi ng pagkadulas. Bagama’t nalikha ang tactile pavement para sa benepisyo ng mga bulag at may depekto sa paningin at hindi maikakaila ang kabutihan nito, hindi nawawala ang mga kritiko dahil may masamang epekto ito sa ibang mga pedestriyan lalo na ang mga mas matatanda, at ang mga hirap sa paglakad at pagkilos.
Sa ibang lugar ay maaaring gumana ito ng maayos subalit sa ilang mga lugar ay inilalatag ito sa hindi-gaanong matagumpay na pamamaraan.
Sa nakalipas na mga araw ay naging isyu ang paglalagay ng tactile pavement sa Lungsod ng Baguio na proyekto ng pamahalaang lungsod at DPWH. Samo’t-sari ang naging reaksiyon ng mga netizen at residente sa lungsod at ang ilan ay nanawagan na tanggalin na lamang ito dahil delikado at mapanganib dahil madulas lalo ngayong tag-ulan. Katunayan ay inireklamo na may mga nadulas na nga.
Ipinagtanggol naman ng isang grupo ng mga may kapansan ang benepisyo at malaking tulong ng tactile pavement sa kanila.
Dinepensahan din ng lokal na gobyerno ang proyekto at sinabing kailangang masanay na ang mga tao sa paggamit nito at kung madulas nga ito para sa mga hindi bulag, para sa mga bulag at may depekto sa paningin, ito ay kaligtasan nila. Kailangan na lamang na iwasang apakan ang mga ito at mamalagi sa kanang bahagi ng daan na sinusunog ang “Keep Right” na tuntunin.
Sapagkat bago pa lamang ilalatag sa Baguio ang sistemang ito ay marahil mahalaga ang pagsasanay sa tactile paving para sa mga pedestriyan na may depekto sa paningin, kinakailangan ang isang pagrepaso ng gabayan na may mas malaking diin na mas madaling maramdaman at ikonsidera kung ilan ang gagamitin upang hindi nakakalito, gayundin bawasan ang mga epekto ng topograpiya lalo na ang dalisidis sa mga tawirang daan. Dahil kung nakabitin ang isang buhay sa balanse, isang masamang disenyo ay napakarami pa rin.
Gayunman, sa isang sitwasyon kung saan ang walang anumang ginagawa ay mas mabuti na sa paggawa ng maling bagay: ang potensiyal na mga pinsala o pagkamatay, kailangan lamang na magtiwala sa mga sistema na dinisenyo para sa kanila upang dalhin sila sa kanilang patutunguhan. Ilang mga lungsod, wari ba ay may mga pamamaraan pa rin gaya ng Baguio.
Huwag lamang para masabing nakakasabay tayo sa pag-unlad at ang paglalagay ng tactile pavement ay kagandahan lamang para sa imahe ng lungsod bagkus ang kapakanan ng mga PWD ang pinakamahalaga. Masasanay din tayo sa sistema.

Amianan Balita Ngayon