Masaya kaya ang Pasko 2018?

Jan 10, 2019

Yan ang malaking katanungan ngayon – masaya kaya ang Pasko 2018? Isang katotohanan na kahit ano pa ang mga nakapaligid na problema o kapalpakan sa ating lipunan, parang di gaanong pansin ng sambayanan tuwing Pasko. Nakatuon kasi ang imahe at damdamin sa Pasko. Paskong-daing/tuyo o Paskong litson/hamon, parehas ding Pasko raw. Kaya namnamin na lamang natin ang katuturan ng araw ng pagsilang ng Poong si Jesus. Pero teka, pards, hindi lahat ng sekta sa bansa ay kinikilala ang Pasko o nagdiriwang tuwing Pasko. Oo nga hane? Pero may nagtsutsu sa atin na kahit daw wala silang selebrasyon tuwing Pasko, nakikiuso naman daw ang ilan sa kanila sa bigayan ng regalo. Sus, ginoo, talagang magulo ang ating bansa, hane? Halukayin natin bago mag-Pasko:

******
Napakaraming kontrobersiya ang dumaan sa ating buhay nitong 2018. Sandamakmak na mga alitan ng mga opisyales ng pamahalaan ang ating isinimento sa ating listahan upang hindi mabura bilang aral. Natural, nangunguna riyan ang mga kontrobersiyang mga salita o katagang nagmula sa ating Pangulo. Sabagay, ke joke o hindi, laging pinagpepiyestahan ang mga salita ng Pangulo. Para bagang kulang ang kanyang pagtayo sa isang pagtitipon kung wala siyang mga pasaring o pahapyaw o kaya’y upak. Kaya nga’t nagrigudon ang pagsibak niya sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno na kanyang pinagkatiwalaan pero pumalpak ang trabaho. Di na tayo magpapangalan ngunit saksi ang bayan kung sino-sino ang mga damuho. Pagpapakita na tunay na may kamay na bakal ang pangulo kontra sa katiwalian, krimen, korapsiyon at droga. Sana ang mga bagong talaga ay magiging malinis na habang nakaupo si Digong.

******
Ang isang di malilimot na eksena ng 2018 ay ang utos ng Pangulo na isara ang Boracay. Nagsara nga at narehab. Kasunod din ang pagsasaayos ng ilan pang mga resorts na dinudumog ng mga turista. Kamay na bakal ang ipinakita muli ng Duterte administration sa hakbang na ito. Kahit pa ang pagsusuli sa tatlong Balangiga Bells ay isang kasaysayang naitala sa panahong ito. Malaki ang naitulong ng tigas ng paninindigan ni Digong upang mangyari ito makalipas ng mahigit sa isang daang taon. Na ang ibig sabihin, sa likod ng mga mantsa sa ating lipunan, meron ding mga umagapay na tagumpay at magandang pundasyon ng ating pag-usad. Sa kabilang dako, malaki din ang naitulong sa ating ekonomya at kabuhayan ng bansa ang pagbaba ng presyo ng petrolyo bagama’t ito ay nakabase sa galaw sa world market. Ang pinakahuling kontrobersiya ay ang isyu sa bigas kung saan hindi magkaisa ang mga opisyal ng bansa hinggil sa maaring ibubunga ng tarification bill na naghihintay na lang na maging batas.

******
Kung may sinasabing kamalasan, ito ang malaking swerte: ang pagkapanalo ni Ms. Catriona Gray sa Miss Universe title kamakailan. Pang-apat na siya na naging Miss Universe na simbolo ng ganda at katalinuhan. Habang nagbubunyi ang bansa sa karangalang dala ni Ms. Gray, lumabas ang isang ulat na pangwalo ang Pilipinas sa listahan ng pinakamainam na bansa para sa mga kababaihan batay sa ulat ng World Economic Forum (WEF). Sa latest Global Gender Gap Index report, nakakuha ng 7.99 na average score ang Pilipinas. Nanatiling Iceland ang nasa unang puwesto na may index score na 8.59. Kaya ang tanong: sa inyong panimbang, masaya kaya o hindi ang Pasko-2018 na ating idaraos muli sa Martes? Nasa inyo ang pinal na pananaw. Basta sa amin sa Amianan Balita Ngayon, masaya kasi andiyan kayong sumusubaybay at nagtitiwala sa aming serbisyo. Merry Christmas mga kabayan! Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest