Matandang lalaki sinaksak ng isang kapwa matandang lalaki sa La Union

Provincial

AGOO, La Union – Isang senior citizen ang sinaksak hanggang mamatay gamit ang kutsilyo ng isang nail cutter knife matapos ang isang mainit na pagtatalo sa isa pang senior citizen sa Barangay San Nicolas West ng bayang ito noong Huwebes (Hulyo 15, 2021).

Kinilala ng pulis ang biktima na si Miguel Seba, 64, residente ng nasabing barangay, at ang nakaaway na suspek na si Carlos Saballa, 71, residente ng Barangay San Isidro, Agoo, La Union.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Agoo PNP, isang mainit na pagtatalo ang nangyari sa pagitan ng biktima at ng suspek na nauwi sa suntukan hanggang isa sa kanila ay nanaksak gamit lamang ang isang nail cutter na may kutsilyo.

Si Seba ay nasaksak malapit sa kaniyang puso at itinakbo sa La Union Medical Center sa Agoo, subalit idineklara siyang dead upon arrival.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa kustodiya ng pulis habang hinihintay ang kasong murder na ipipila laban sa kaniya.

Nag-iimbestiga pa ang pulsiya dito sa pagitan ng biktima at suspek bakit humangga sa mainit na pagtatalo at kalauna’y pananaksak.

(EB/PMCJr.-ABN)