Maybank at Master Siomai nanguna sa Panagbenga Grand Float Parade 2018

Mar 2, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang halos isang milyong katao ang nanood at namangha sa Grand Float Parade noong Pebrero 25, 2018 na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Panagbenga. Ito ay ayon kay Elmer Datuin, executive chairman of Baguio Flower Festival Foundation Inc.
May kabuuang 23 floats ang nakilahok sa parada, apat sa non-competing floats; walo sa small floats at 11 sa big floats.
Nag-umpisa ang parada 8am sa pangunguna ng Philippine Military Academy (PMA) Marching Band mula sa tapat ng Department of Interior and Local Government (DILG) office, Upper Session Road papaba sa Lower Session Road, Harrison Road at papunta sa Melvin Jones football fields kung saan nagbigay ng mensahe ang guest speaker, Department of Tourism Secretary Wanda Teo.
Ang mga floats ay pinangunahan ng City Government’s Float na sinundan ng hall of fame title holders na Baguio Country Club, SM Baguio at NLEx para sa Non-Competing Category.  Kasama sa 8 Small Float Category ang Coca-Cola, Igorot Man, IPC-APTS, Maybank, Palawan Pawnshop and Palawan Express Pera Padala, Pradera Verde: Lubao International Balloon and music festival, Saleng Garden at Universal Robina Corporation.
Nakilahok ang Department of Agriculture, International Pharmaceuticals Inc., Jollibee Food Corporation, Kambal Pandesal of San Miguel Mills, MC Master Siomai Hut, M. Lhuillier Financial Services, Montañosa Pastoral Resource Corporation o Porta Vaga Mall, Sitel Philippines at Taloy Norte Farmers multi-purpose cooperative para sa Big Float Category.
Isa sa mga taunang inaabangan ang floats ng ABS-CBN at GMA network na lulan ang ilan sa mga sikat na artista. Kabilang sa “Kapamilya” float ang cast ng “Ang Probinsyano” na sina Coco Martin, Lito Lapid, Angel Aquino, Michael de Mesa at iba pa na nagbigay aliw at saya sa publiko. Kasama ring nakiisa para magbigay saya ang mga artista ng GMA network na sina Miss World Megan Young, Michael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid at iba pang stars ng “Kapuso” Network.
Idineklara ng Baguio Flower Foundation Inc., sa Kapihan sa Baguio ang nanalo sa float competition: 1st prize ang Master Siomai  para sa sa Big Float Category at sinundan ito ng M Lhuillier bilang 2nd place at Sitel Corporation para sa 3rd place.
Sa pangalawang pagkakataon nakuha ng Maybank ang 1st prize para sa Small Float Category, at sinundan ito ng Saleng Garden para sa 2nd place at Coca-Cola para sa 3rd place. MA. KRYSTAL I. DIOQUINO, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest