Mayor, 6 pa, inakusahan ng murder

TUGUEGARAO CITY – Nahaharap sa kasong murder ang Mayor ng Gattaran,Cagayan,kabilang ang anim pang kasamahan nio sa pagkamatay ng isang negosyante ng bayan ng Pennarubia,Abra.
Ayon sa Cagayan Provincial Police Office, ang inakusahan ay si Gattaran Mayor Mathew Nolasco, kasama sina Joles Salvatierra, Mateo De Torres, Jofel Alipio at tatlo pang hindi nakikilalang suspek, na kinalaman umano sa pagpatay sa biktimang si Jefferson Torricer,29, ng Pennarubia, Abra.
Ayon sa ulat, ilang nakasaksi sa insidente ang nag-sumite na ng affidavit sa Provincial Prosecutor’s Office in Carig Sur, Tuguegarao City, matapos manawagan sa radio ang kapatid ng biktima na si Jill Ivy Torricer,na tulungan sila sa hustisya ng biktima.
Noong Disyembre 5, ang biktima ay nagbabakasyon lamang sa nasabing bayan at nang magtungo sa isang resto-bar sa karatig-bayan ng in Lal-lo ay naka-enkuwentro nito ang nasabing grupo,hanggang sa magkaroon ng argyumento sa hindi pa malamang dahilan na nauwi sa pagbaril sa biktima.
Zaldy Comanda/ABN

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon