Mayor at Bise-Mayor ng Abra isinuko ang mga armas sa pulisya

BANGUED, Abra – Kusang isinuko ng Mayor ng Pilar na si Mark Roland Somera at ang Bise-Mayor na si Josefina “Jaja” Somera -Disono ang kanilang mga di kalibreng baril sa tanggapan ng Abra Provincial Police Office na siya umanong naging sanhi ng di umano ay “ambush” at maikling engkwentro sa pagitan ng pulisya sa isang checkpoint bago maganap ang halalan noong Mayo 9.
Ayon sa ulat ni Cordillera Regional Police Brig. Gen Ronald Lee isinuko umano ng dalawang opisyal ang kanilang mga armas sa barangay
Poblacion, Pilar Abra sa tulong na rin ng kanilang legal counsel.
Isinuko ni Mayor Somera ang isang Cal.40 Glock Generation 4, Cal.357 Smith at Wesson revolver Cal.45 Glock pistol, a 12 gauge SPAS shotgun Cal.9mm CZ pistol a caliber 9mm Strbog pistol a caliber 9mm Mosberg pistol at Cal.45 ArmscorM191 pistol.
Samantalang si Disono naman ay isang 12 gauge na shotgun ang isinuko sa pulisya. Nasa pangangalaga na ngayon ng RCSU-Cordillera ang lahat ng baril na isiunko ng dalawang opisyal.
Matatandaan na noon Marso 29 ay nagkaroon ng “stand off” noong iwasan umano ng isa sa kanyang security-driver ang checkpoint sa bayan ng Pilar na kung saan ay dumeretso umano ang mga bodyguard nito sa loob ng compound ng nsabaing opisyal.
Dahil dito ay napilitang sumuko sa kapulisan ang 12 security aides na pawing mga dating sundalo kasama ang 14 na assorted fire arms.
Artemio A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon