MAYOR KILLER, NADAKIP AFTER 45 YEARS

KALINGA — Nadakip na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Alkade ng Tinglayan at pag ambus sa isa pang Mayor sa bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Kalinga, matapos ang pagtatago ng 45 taon.
Nabatid kay Police Col. Davy Limmong, provincial director of the Kalinga Provincial Police Office, ang nadakip na suspek na si Jaime Tochok Bulatao, 77, tubong Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga, ay listed as Most Wanted Person ng Police Regional Office Cordillera sa kasong Multiple Murder at nakatala sa National Level Wanted person sa kasong Murder.
May reward itong P75,000 as per DILG memorandum para sa arrest nito. Ayon kay Limmong si Bulatao ay responsable sa pagpatay kay Tinglayan Mayor Alexander Alngag, noong 1976 at siya ay nasampahan ng kasong murder na walang piyansa. Si Bulatao ay sangkot din umano sa pag-ambus kay dating Mayor Marcelo Dela Cruz ng Rizal, Kalinga at sa mga kasama nitong pulis habang patungo sa Tabuk City,noong 2008.
“Nakatanggap kmi ng impormasyon sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad kaming nagsagawa ng operation,” pahayag ni Limmong. Magkasanib na tauhan Kalinga PPO, CIDG-Kalinga, RID, PRO-COR, RMFB 15, PNP SAF, RIU 14, ang naghain ng warrant of arrest sa suspek nang madatnan ito sa knnyang bahay sa Sitio Binongsay, Barangay Malin-awa, Tabuk City, Kalinga, noong Huwebes, January 28.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon