MAYOR KONSEHO SUSUSUGAN ANG FACE MASK ORDINACE

LUNGSOD NG BAGUIO

Hiniling ni Mayor Benjamin Magalong sa konseho ng lungsod na susugan ang ordinansa ng lungsod sa paggamit ng face mask bilang paghahanda sa pagsang-ayon ng Pangulo sa bagong tuntunin na naglilimita
sa sapilitang paggamit ng face mask sa indoor settings. Noong Setyembre 8 ay sumulat si mayor sa city council sa pamamagitan ni Vice Mayor Faustino Olowan na sinabing may pangangailangan na maghanda para sa bagong batas sa paggamit ng face mask alinsunod sa mga pagbabago sa pambansang kaganapan.

“The IATF-EID (Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases) has already forwarded a policy recommendation to President Ferdinand Marcos Jr. on liberalizing the use of face
masks, particularly making it an option to wear face masks in outdoor, low-risk settings for persons who are not immunocompromised,” ani ng mayor.

Sinabi niya na handa ang lungsod para sa mga pagbabago dahil naabot na nito ang 126.53 percent full vaccination rate. Nagtala rin ang lungsod ng 121.10 percent accomplishment sa grupo ng senior citizen, 26.20 percent dito ay nakatanggap na ng ikalawang booster shots. “Our efforts to ramp up vaccination for primary and booster doses have not waivered and we are fully committed in our ongoing efforts to ramp up COVID-19 vaccination in the city. In addition, our health standards shall continue to be implemented especially in high risk settings.

In any case, our Prevent-Detect-Isolate-TreatReintegrate mechanisms are always ready should circumstances so require,” ani Mayor Magalong. Sinabi niya na nananatiling nasa low risk level ang lungsod kaya binuksan na ang mas maraming aktibidad sa ekonomiya, wellness at fitness activities at ibinalik ang face-toface na aktibidad sa mga paaralan.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon