Mayor muling nagbabala ukol sa Hypebeast group

Mar 3, 2018

Muling nanawagan si Mayor Mauricio Domogan sa mga paaralan at mga magulang na subaybayan ang mga aktibidad ng mga kabataan at siguruhin na nakikibahagi ang mga ito sa kapaki-pakinabang na gawain upang makaiwas sa gulo tulad na lamang sa mga “hypebeast” na isa ngayon sa suliranin ng mga kabataan sa lungsod.
Inatasan ni Domogan ang Baguio City Police Office, mga paaralan, mga magulang, mga barangay at ang city social welfare development office na magtulungan upang wakasan ang marahas na insidente na kinasasangkutan ng mga kabataan, kung saan ilan sa mga iniulat na kasangkot ay ang tinaguriang hypebeast group.
Ayon kay Domogan, ipatatawag ang mga magulang ng miyembro ng hypebeast at siya mismo ang personal na makikipagkita at makipag-usap sa kanila.
Dagdag pa nito na ang problema ay karaniwang nag-uugat sa mga tatak ng damit na nilaan ng grupo para sa kanilang sarili na kapag nakikita nila ang iba pang mga kabataan na hindi miyembro ng kanilang grupo na may suot na branded na damit, pantalon, jackets, o sapatos na hindi binili mula sa kanilang mga lider, sila ay binu-bully at kapag lumaban ang mga kabataan na ito, doon nagkakaroon ng gulo.
Dahil hindi maaring kasuhan ang mga menor de edad na miyembro ng hypebeast, ang mga ito ay sasailalim lamang sa pag-profile at pagpapayo sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development.
Ayon kay Federico Martin, assistant superintendent ng Baguio Schools Division, sisiguraduhin nilang ang mga paaralan ay gumagawa ng paraan upang ipaalam sa mga magulang at estudyante na umiwas sa problemang dulot ng hypebeast group at para na rin masubaybayan at mapayuhan ang mga nasasangkot dito. MA. KRYSTAL I. DIOQUINO, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest