Mayor nais ang 100% pagbabakuna sa mga karapat-dapat na residente

LUNGSOD NG BAGUIO – Itinutulak ni Mayor Benjamin Magalong ang 100 porsiyentong pagbabakuna ng mga karapatdapat residente upang makamit ang herd immunity laban sa pandemya sa coronavirus-2019 na sanhi ng pagkawala ng mga buhay at kabuhayan mahigit isang taon na ngayon.
Ginawa niya ang anunsiyo via zoom sa regular management committee meeting ng mga opisyal ng lungsod noong Abril 6 sa City Hall multipurpose hall. Kasalukuyang naka-isolate ang mayor sa
kaniyang bahay matapos magpositibo sa COVID-19 ilang araw na.
Sa isang virtual meeting sa mga kinatawan ng World Health Organization ay pinayuhan si Magalong na kailangang mabakunahan ang buong populasyon ng lokalidad upang makamit ang herd immunity at hindi ang naunang target ng lungsod na 70 porsiyento hanggang 80 porsiyento.
“This being the case, we are currently gathering more vaccine donors to cover the remaining number of vaccinees to achieve full inoculation of the city’s eligible residents,” pahayag ng Mayor.
Sa pagpupulong ay nagbigay ng update si City  Health Services Officer Dr. Rowena Galpo sa vaccination rollout ng lungsod kung saan 10,561 sa 11,553 Priority A1 eligible population o 91.41 percent ang nabakunahan na ng unang dose hanggang Abril 6, pinakamataas sa ngayon sa Cordillera region.
Binubuo ang Priority A1 ng government health workers at mula sa mga private clinics, diagnostic centers at barangay emergency response teams.
Sinabi niya na nag-umpisa silang magbakuna ng mga taong may comorbidities (A3) ilang araw ngunit kinailangang itigil dahil sa kakulangan ng mga bakuna. Magpapatuloy ito kung darating ang mga bakuna, dagdag ng health official.
Ipinaliwanag ni Galpo na kailangan nilang tumalon sa Priority A3 mula A2 (senior citizens) dahil ang mga bakuna para sa 60 taong gulang at pataas ay hindi pa dumarating. Sa ilalim ng Department of Health Covid-19 prioritization plan, sinusundan sila ng frontline personnel sa essential sectors kasama ang uniformed personnel (A4); indigent population sa priority A5; mga guro at social workers ay priority B1; ibang government workers (B2); at ibang essential workers (B3); Socio-demographic groups na nasa higher risk maliban sa senior citizens at mga mahihirap (B4); overseas Filipino workers (B5); ibang natitirang workforce (B6); at mga Filipino population na hindi kasali sa nabanganggit na mga group sa priority C.
“The current covid-19 vaccines reduce the risk of severe disease and death and are most suited for those with higher risk of exposure and death. The benefits of being vaccinated far outweighs the risks of adverse effects if any,” pagdiriin niya.
Ginagamit ng Baguio ang ilang ospital bilang vaccination sites kabilang ang Baguio General Hospital and Medical Center, SLU Hospital of the Sacred Heart, Baguio Medical Center, Pines City Doctors Hospital, Notre Dame De Chartres Hospital ar ang Philippine Military Academy Station Hospital.
Samantala, ang mga field vaccination sites ng lungsod ay ang University of Baguio at SLU gymnasiums; Baguio City National High School; at St. Louis Center (Campo Filipino).
(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon