Mayor ng Abra, nagsuko ng mga armas na natagpuan sa barangay

CAMP DANGWA, BENGUET – Sa pagsuporta sa mga pagsisikap na mawala ang mga loose firearms upang maiwasan ang walang pakundangang pagpapaputok ng armas, nagsuko ang mayor ng Abra province ng isang armas na nadiskubre ng mga barangay official sa kaniyang bayan.
Isinuko ni Malibcong Abra Mayor Romando Bacuyag kasama ang ilan pang lokal na opisyal ang isang rifle grenade sa municipal police noong Marso 12, ayon sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR).
Sa ulat na ibinahagi ni PROCOR Regional Director Chief Supt. Edward Carranza sa media, ang nasabing rifle grenade ay isinuko ni Bacuyag at barangay officials sa isinagawang police visitation sa Barangay Poblacion noong Marso 12.
Ayon kay Carranza, ang pagbisita ng mga otoridad ay layuning mapag-usapan ang mga plano at programa ng kampanya ng Philippine National Police laban sa illegal drugs, kriminalidad, at loose firearms.
Aniya, ang rifle grenade ay nasa Malibcong police para sa tamang disposisyon. P.AGATEP, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon