Mayor ng Sta. Maria inilagay ang mga sitio sa 16 na barangay sa ECQ

STA. MARIA, Ilocos Sur – Inilabas ni Sta. Maria mayor Brigido Camarillo Jr. ang Executive Order No. 15 noong Lunes (Hunyo 7) na naglalagay sa ilang lugar, purok o sitio ng 16 na barangay sa munisipalidad na ito sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) epektibo simula Hunyo 9 hanggang 22, 2021.
“Due to sudden significant increase in the number of positive COVID-19 cases lately in 16 barangays of the municipality, there is a need to impose heightened quarantine classification and more stringent protocols, thus the said 16 barangays shall be reclassified and placed under ECQ,” ani Mayor Camarillo.
Ang mga sumusunod na lugar ay isinailalim sa ECQ: Zone 2 sa Brgy. Baliw Daya; Sitio Manugak a Brgy. Butir; Zone 2 sa Brgy. Cabaroan;Zones 2, 3, 6 at 7 sa Brgy. Danuman West; Zone 2 sa Brgy. Dunglayan; Sitio Las-ud South sa Brgy. Laslasong Norte; Castro Compound sa Brgy. Laslasong Sur; Sitio Daya 2 at Guimod sa Brgy. Lubong;Zone 5 sa Brgy. Maynganay Sur; Zone 2 sa Brgy. Nagtupacan; mga Zone 1, 2 at 4 sa Brgy. Poblacion Norte; mga Zone 1, 2 at 7 (Sitio Bagong Barrio) sa Brgy. Poblacion Sur;mga Zone 1, 3 at 5 sa Brgy. Silag; Sitio Karot sa Brgy. Suso; Zone 4 sa Brgy. Tangaoan; at mga Zone 2 at 4 sa Brgy. Tinaan.
Lahat mg iba pang mga barangay, zone, purok at sitio na hindi partikular na binanggit sa listahan ay isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Hunyo 13 alinsunod sa Executive Order No. 44 ng Pamahalaang Probinsiya ng Ilocos Sur.
Farmers, fishermen, and farm workers in ECQ areas may be allowed to go out of their residence only for farm-related activities and only in farms located inside the barangay.
All other individuals, except authorized persons outside residence (APOR) and those needing medical and dental assistance and services, are barred from going out of residence,” ani Camarillo.
Sinabi niya na ang mga ambulant vendors ay hindi pinapayagang pumasok sa alinmang barangay.
“The local Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Municipal Health Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, barangay captains and other barangay officials are ordered to exercise all powers necessary to implement this order and corresponding Inter-Agency Task Force quarantine protocols in their respective jurisdictions,” dagdag niya.
Samantala sa bayan ng Sinait, nag-isyu si Mayor Shee-am Guzman ng Executive Order No. 19 noong Enero 4 na nagdedeklara sa 20 residential households sa Purok Linglingay sa Barangay bilang critical zone at isinailalim sa extreme enhanced community quarantine (EECQ) simula Hunyo 4 hanggang 18, 2021.
Hanggang 8 n.g. ng Hunyo 6, ang probinsiya ng Ilocos Sur ay nakapagtala ng kabuuang 2,234 kumpirmadong mga kaso. Mula dito ay 661 ang aktibong kaso; 1,535 ang gumaling; at 38 ang namatay.
Para sa vaccination roll out, nakapagtala ang probinsiya ng kabuuang 46,327 mga bakuna na natanggap mula Marso 5. May kabuuang 38,023 katao ang nabakunahan hanggang Hunyo 6 na binubuo ng mga manggagawa sa frontline health services, senior citizens, at persons with comorbidities.
(AMB-PIA IS/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon