Mayor, PopCom nagkasundo sa pagtutok sa isyu ng populasyon sa lungsod

LUNGSOD NG BAGUIO – Lubos na sinusuportahan ni Mayor Benjamin Magalong ang Commission on Population and Development –CAR sa adbokasya nito sa Adolescent Health ang Development (AHD), Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP), and Population and Development Integration.
Sa isang pagpupulong noong nakaraang linggo kay PopCom-CAR Director Magdalena Abellera, City Population Officer Rowena Rabanes, at kani-kanilang staff, inihayag ng Mayor ang kaniyang lubos na suporta sa registry of barangay inhabitants and migration (RBIM), AHD information and service delivery network, at The Challenge Initiative (TCI) vs. adolescent pregnancies ng PopCom.
Sa parehong pagpupulong ay nalungkot si Mayor Magalong sa katotohanan na ayon kay RD Abellera, ang pinakabatang ina na naitala sa bansa ay isang 9-na taong gulang na batang babae. Sa datos ng 2019, pumapangalawa ang Lungsod ng Baguio sa teenage pregnancy rates sa rehiyon; na maraming batang ina na mayroong pag-uulit o ikalawang pagbubuntis mismong bago matapos ang kanilang kabataang edad, ani Abellera.
Kasama si RD Abellera, kaya ibinahagi ng Mayor ang parehong pananaw sa responsible parenthood; na hinihikayat ang ugnayan sa pagitan ng mga tao, komunidad, akademya, sektor ng kalusugan at ekonomiya, at lahat ng ahensiya namamagitan upang panatilihin ang carrying capacity ng lungsod.
Naniniwala ang Mayor na responsibilidad ng bawat magasawa/magkapareha at magulang nan a magdesisyon sa bilang ng anak na gusto at kaya nilang alagaan. May pangangailangan para sa selfexamination, kung ang isa ay may kakayahan na maging responsableng magulang, ang kapasidad na ibigay ang mga pangunahing kailangan ng pamilya, o kahit panatilihin at masustine ang isang komportableng buhay, kapuwa sumang-ayon sina Magalong at Abellera.
Sa kabila ng ipinapakita ng 1960-2020 Baguio statistical data na ang population growth rates ay bumababa sa huling mga dekada, ang mga bilang ay nagpapakita ng pagtaas sa aktuwal na bilang ng tao na lagpas sa 60-taon peryodo.
Ipinapakita rin ng demographic pyramid mula PopCom na ang mga babae sa kanilang reproductive age na 15 -49 taong gulang ay binubuo hanggang 28% ng populasyon ng lungsod. Ang mga nasa edad 0 hanggang 19 ay 41.75%, habang ang senior citizens 60 pataas ay binubuo ng 6.55% ng populasyon ng Baguio. Nakikita ng lungsod ang inaasahang pangangailangan na suportahan ang mga dumedependeng populasyon ng kabataan at matatanda sa pamamagitan ng mga programang nauukol para sa kanila.
Kaya nga ang Mayor at si RD Abellera ay nagkasundo ng tingnan ang pangunahing mga trabaho ng PopCom sa paglikha ng polisiya at magplano ng pag-unlad, adbokasiya at komunikasyon, pamamahala sa datos at impormasyon, programming ar mobilisasyon ng resources.
Ang mga programang ito ay nakadisenyo na “empower Filipinos, families and communities by enabling them to achieve fertility intention, prevent adolescent pregnancy and take in the population factor in sustainable development initiatives.”
Inatasan ng Mayor si City Population Offcer Rabanes na maki-ugnayan sa PopCom para sa programming at mobilisasyon ng resources sa urban initiatives, identification o experiences upang maiwasan ang teen-age pregnancy at risky behavior.
Susunod na mga pagpupulong ay nakatakda sa pagitan ng mga ahensiya para sa lalo pang diskusyon sa mga programa para sa population control.
JGF-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon